What's on TV

Elijah Alejo, nakahanap ng newfound family sa 'Underage' co-stars

By Kristian Eric Javier
Published February 23, 2023 11:03 AM PHT
Updated February 23, 2023 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Ano ang nararamdaman ni Elijah Alejo kasama ang kanyang 'Underage' co-stars? Alamin dito:

Masaya ang Underage star na si Elijah Alejo sa natagpuan niyang “newfound family” sa co-stars niya at inaming nadala na nila nina Lexi Gonzales at Hailey Mendes ang closeness nila bilang magkakapatid on cam, sa labas ng camera.

“Talaga pong nagba-bond kami, pero since marami po kaming eksena ni Lexi na kaming dalawa lang, mas kami po 'yung nakakapag-kwentuhan,” saad ni Elijah sa interview ni Lhar Santiago para sa 'Chika Minute.'

Dagdag pa nito, “Pero kapag kaming tatlo po, ayun, andyan po yung foodtrip, ganyan, chikahan, updates about life, about crushes.”

Ginagampanan nila Lexi, Hailey at Elijah ang mga roles ng Serrano sisters na sina Celine, Carrie at Chynna, mga teenagers na haharap sa mga pagsubok na dala ng adulthood dahil sa sunod-sunod na pagdadaanan ng kanilang pamilya.

Sa isang interview, inamin din ni Elijah na kinabahan siya ng malaman na ang aktres na gumanap sa mismong character niya sa 1980 film na si Snooky Serna ay magiging parte rin ng serye.

Pag-aalala niya, “When I first knew that kasama ko siya here sa Underage and they told me na 'yung character dati ni Tita Snooky is my character now dito sa adaptation, I was really nervous po like, 'Hala. Can I pull it off ba like how Tita Snooky pulled it off doon sa original [film]?”

Pero nang magsimula na silang magkatrabaho ay nalaman ni Elijah na si Snooky pala ay humble at down to earth.

“She's so wise na marami po siyang kinukuwento and marami po siyang [pieces of] advice para po sa amin nina Lexi,” dagdag pa nito.

Bukod pa kay Snooky at sa kanyang Serrano sisters, ay naging malapit din siya kina Christian Vasquez at Maey Bautista.

“Kapag kasama po namin si Kuya Christian at saka si Ate Maey, lahat po kami nagpipigil ng tawa. Kasi biglaan pong may pa-adlib si Kuya Christian e. Hindi ko po sila tinitignnan kapag eksena na, hindi ko po kaya,” sabi nito.

Debut ni Jillian

Ipinaalam din ni Elijah kung gaano siya ka-excited na umattend sa nalalapit na debut ni Abot-Kamay na Pangarap actress Jillian Ward.

“Magiging magka-eded na tayo, Jill. Syempre sabay po kaming lumaki, sabay po kaming nag-start ng showbiz journey namin, so eto na. I'm looking forward po sa kung ano'ng gagawin ni Jill sa debut niya,” sabin ni Elijah.

TIGNAN KUNG PAANO NAGPASAYA AN SERRANO SISTERS SA KANNAWIDAN FESTIVAL: