
Bukod sa pagte-taping para sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, hands on din si Jillian Ward sa pag-aasikaso ng ilang mga bagay para sa kaniyang debut na gaganapin ngayong buwan.
Sa katatapos lang na blogcon para sa nalalapit na birthday party ni Jillian, ibinahagi niya mismo kung sinu-sino na ang kumpirmadong makakarating sa event.
Ayon sa Sparkle star, ilan sa makakapunta sa kaniyang engrandeng debut ay sina Ken Chan, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Asia's Multimedia Star Alden Richards, at former Prima Donnas star na si Elijah Alejo.
Nabanggit din ng teen actress na inimbitahan niya sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ngunit hindi pa sigurado kung sila ay makakadalo.
Imbitado rin ang kaniyang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars na sina Carmina Villarroel, Dominic Ochoa, Jeff Moses, at marami pang iba.
Sa isang hiwalay na panayam, una nang sinabi ni Jillian na kabilang sina Dominic Ochoa, Ken Chan, at Alden Richards sa listahan ng kaniyang 18 roses.
Sa kalagitnaan ng blogcon, sinabi naman niya na karamihan daw sa nakalista sa kaniyang 18 candles ay ang kaniyang mga boss at mother figures sa showbiz industry tulad na lamang ni Direk Gina Alajar.
Sa online event, ini-reveal ni Jillian na ang kaniyang daddy na si Elson Penzon ang last dance niya sa tradisyunal na paghahandog ng 18 roses.
“Si Papa 'yung first love ko… Si Papa, I think siya ang first and last love ko. Feeling ko po maiiyak po ako 'pag si Papa.”
Biro pa niya, “Para 'pag naano 'yung makeup ko… siya na makakakita ng itsura ko kasi wala nang kasunod.”
Ilan pa sa mga inimbitahan niya ay ang mga kasabayan niya sa show business at mga nakatrabaho niya industriya.
Samantala, patuloy na subaybayan si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang seryeng kaniyang pinagbibidahan tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: