GMA Logo Elijah Alejo, Ashley Sarmiento
What's on TV

Elijah Alejo, pinaiyak si Ashley Sarmiento sa set ng 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published February 18, 2025 6:01 PM PHT
Updated February 19, 2025 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo, Ashley Sarmiento


Napaiyak si Ashley Sarmiento sa ginawang prank sa kanya ni Elijah Alejo sa set ng 'MAKA.' Panoorin dito.

Hindi napigilang maiyak ni Ashley Sarmiento sa ginawang prank sa kanya ni Elijah Alejo habang tumatanggap ng parusa sa online exclusive content na "MAKA Secret Garden."

Linggo-linggo ay may isang cast member na tatanggap ng parusa sa "MAKA Secret Garden," at ngayong linggo si Ashley ang nakatanggap ng pinakamaraming boto mula sa kapwa niya cast members.

Inakala ni Ashley na pagkain lamang ng gulay ang tatanggapin niyang parusa pero ang hindi nito alam ay may pinlanong prank sa kanya si Elijah.

Bago pa man niya tanggapin ang parusa sa "MAKA Secret Garden," napuna na kaagad ni Ashley ang hindi pagpansin sa kanya ni Elijah.

Nang magsimula na ang shoot at kinakain na niya ang gulay na parusa sa kanya, hindi na kinaya ni Ashley ang pagsusungit sa kanya ni Elijah at tinanong kung pina-prank ba siya ng huli.

Dito na sinabi ni Elijah kay Ashley na kanina pa mainit ang ulo niya at kinumpronta si Ashley sa mga naririnig nito na may sinasabi ang huli tungkol sa kanya.

Tuloy-tuloy na rin ang pag-iyak ni Ashley sa pagkompronta na ito sa kanya ni Elijah. Hindi nagtagal ay nilapitan na rin ni Elijah si Ashley at niyakap, at sinabing prank lamang ang lahat.

Panoorin ang ginawang prank ni Elijah Alejo kay Ashley Sarmiento sa "MAKA Secret Garden" dito:

Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN ANG THROWBACK CHILDHOOD PHOTOS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: