GMA Logo MAKA Season 2
Photo by: gmapublicaffairs
What's on TV

'MAKA' Season 2, mayroon nang mahigit 31.5 million online views

By Aimee Anoc
Published February 12, 2025 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA Season 2


Mga Kapuso, maraming salamat sa mainit na suporta sa ikalawang season ng MAKA!

Hindi lamang sa telebisyon nakatatanggap ng mainit na suporta ang ikalawang season ng hit youth-oriented show na MAKA kung hindi maging online.

Bukod sa panalong ratings, milyon-milyon din ang sumusuporta online kung saan mayroon na itong mahigit 31.5 million views sa GMA social media platforms noong Linggo (February 9) matapos ang dalawang episode.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Nagsimula ang pilot episode ng MAKA Season 2 noong February 1 na agad na umani nang mahigit 2.1 million online views, habang ang episode 2 naman na umere noong Sabado (February 8) ay agad na nakakuha nang mahigit 1.8 million online views.

Ilan sa mga eksenang pumatok online mula sa episode 1 ay ang clip ni Zephanie habang kumakanta kung saan pinahanga niya ang buong klase, at ang mainit na tapatan nina Zephanie at Josh Ford.

@gmapublicaffairs

Zeph, pinahanga si Josh at ang buong klase sa kanyang galing sa pagkanta! | MAKA Panoorin ang video. Huwag palalampasin ang #MAKASeason2 tuwing Sabado, 4:45 PM sa GMA.

♬ original sound - GMA Public Affairs

@gmapublicaffairs

Kanal humor versus aircon humor?! Team Zeph vs Team Josh! | MAKA Panoorin ang video. Huwag palalampasin ang #MAKASeason2 tuwing Sabado, 4:45 PM sa GMA.

♬ original sound - GMA Public Affairs

Nagbabalik sa MAKA Season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Binubuo naman ang bagong cast members nina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Josh Ford, at Shan Vesagas, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.

Abangan ang MAKA season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, KILALANIN ANG COUPLE INFLUENCERS NA SINA MJ ENCABO AT CHEOVY WALTER SA GALLERY NA ITO: