
Naramdaman kaagad ni Elijah Alejo ang mainit na pagtanggap sa kanya ng OG cast sa MAKA season 2 bilang isa sa mga bagong cast member.
Kasama ni Elijah sa new cast sina Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford, maging ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.
Nagbabalik naman sa MAKA season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Ayon kay Elijah, sa kabila nang pagiging bagong cast member, hindi niya naramdaman ang ma-"left out."
"Actually, 'yung dating cast ng MAKA, at first, I was like, 'Hala! Baka ma-left out ako kasi new ako, kumbaga bagong salta.' Kasi syempre may mga pinagsamahan na 'yung season 1 cast. Pero, they are really warm. They are really welcoming," sabi ni Elijah sa online exclusive content na "MAKA Secret Garden."
"Hindi nila pina-feel na nale-left out ako. Hindi nila pina-feel sa akin na hindi ako part ng season 1 cast. Kasi mayroon silang mga jokes about sa nangyari sa season 1 but ini-explain talaga nila sa amin para maka-relate kami," dagdag niya.
Masaya rin si Elijah na makatrabaho ang cast ng MAKA season 2. Aniya, "Super happy ako to be able to work with them. They are just chill, peaceful, happy."
Nang tanungin kung sino ang pinakamakakasundo niya sa cast, ani Elijah, ito ay si Ashley Sarmiento.
"I'd say si Ashley. Kasi si Ashley we go way back pa talaga, commercial days pa. Actually nga nakakatawa kasi 'yung pinalabas doon sa video nu'ng debut n'ya, nandu'n ako. Sumasayaw pa ako ng happy birthday."
Abangan si Elijah Alejo sa MAKA season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: