
Inamin nina Elle Villanueva at Kristoffer Martin na sila mismo ay nagulat sa mga nagsi-ship sa kanilang mga karakter bilang sina Amira at Seb sa pambansang revenge drama ng mga Pinoy na Makiling.
Sa social media, maraming netizens ang gustong magkatuluyan sina Amira at Seb kahit na kontrabida ang karakter dito ni Kristoffer.
Sa finale media conference ng Makiling noong April 25, tinanong ng press sina Elle at Kristoffer kung ano ang masasabi nila sa nabuong fans ng kanilang mga karakter.
Ayon kay Elle, “Nakakatuwa kasi sobrang unexpected siya and hindi namin nakita na puwedeng mangyari 'yun na may puwedeng mag-ship kay Seb and kay Amira. Kasi ang una, ang plano talaga is bully si Seb e. So, nagulat kami na sobrang daming red flag ni Seb, na-ship pa siya kay Amira. So I guess, sometimes you really can not deny the chemistry that shows on screen.”
“Si Seb kasi grabe rin ang tingin niya. Pag tumitingin siya sa akin, talagang ang lagkit. Parang champorado! Hahahaha!” biro pa ng aktres.
Paglilinaw naman ni Elle, wala namang masamang tinapay sa kaniyang boyfriend at leading man sa serye na si Derrick Monasterio ang pagkaka-ship ng kaniyang karakter sa karakter ni Kristoffer.
Aniya, “Nakakatuwa, kasi wala namang nangyaring bad blood sa kanilang dalawa [Derrick Monasterio and Kristoffer Martin], kasi close naman talaga sila.”
Ayon naman kay Kristoffer, nakatulong naman ang kanilang “shippers” sa engagement ng audience sa kanilang serye.
“Parang kaming tatlo pinag-uusapan na lang `yon, nagiging joke na lang siya sa set. Nakakatuwa kasi ganun ang na-reciprocate sa viewers at mas kumapit din ang viewers sa amin sa Makiling because of that!” ani Kristoffer.
Dagdag pa niya, “Hindi lang sa aming tatlo, lahat kami sa set nagtatanong, saan galing `yon? Bakit nagkaroon ng SebMira? Kasi sobrang red flag nga. Paano mo mamahalin ang isang tao na gumanun [nagsamantala] sa iyo, 'di ba?
“Kung minsan may nangyayari talaga na unexpected, eh. So parang kami, sige sakyan natin. Hahahaha!
“Pero siyempre in real life, hindi mo talaga isi-ship ang karakter ni Seb, kasi napakasama talaga niya from the past e. Ngayon na lang niya nire-redeem ang sarili niya.”
Paglalahad pa ni Kristoffer, para siyang bumalik sa pagkakaroon ng love team dahil sa shippers nila ni Elle.
Aniya, “Happy kami, kasi para akong bumalik sa pagiging teens, bumalik sa love team. Hahaha! Ganun 'yung feeling niya. Para 16 years old ako ulit.”
Kuwento naman ni Elle, caring din naman si Kristoffer sa kaniya lalo na sa kanilang mga heavy scene.
“Every time binu-bully niya ako, lumalabas sa mga mata niya na naawa siya sa akin, na may care siya sa akin. Kasi in real life, ganun siya. Especially sa scene na nire-rape niya ako. Sobrang alaga niya sa akin noon,” ani Elle.
Dagdag pa niya, “Every after scene tinatanong niya ako kung okay lang ba ako, sorry ha sorry sissy. Gumaganon siya sa akin. So parang lumalabas lang din sa character ni Seb kung paano si Kristoffer in real life.”
Ayon naman kay Kristoffer, malaki ang respeto niya kay Elle at sa kaibigan niyang si Derrick.
“Parang magkapatid na kasi kami [Derrick Monasterio] talaga. Alam na namin kung ano ang ugali ng isa't isa. Alam na namin ang mga boundaries. Respeto talaga lalo na sa aming tatlo. Respeto talaga at trust sa co-actor mo,” ani Kristoffer.
“Malaking bagay na simula bata pa lang talaga magkakilala na kami ni Derrick. Sabay na kaming lumaki sa industriya so yung mga ganung bad blood, wala. Si Derrick sasabihin pa niyan, 'proud ako sa 'yo,' very supportive siya,” sabi pa ng aktor.
Samantala, sa isang exclusive video para sa kanilang finale, mapapanood na naging emosyonal din si Elle habang ini-interview tungkol sa pagtatapos ng kanilang serye.
“Parang kahapon lang, first day sa Makiling, sobrang bilis ng pangyayari. Ayoko talaga siyang mag-end and ayoko pang iwan 'yung mga tao dito sa Makiling, gusto ko pang ituloy 'yung istorya,” mangiyakngiyak na sinabi ni Elle.
Saan nga ba hahantong ang paghihiganti ni Amira sa Pamilya Terra at sa Crazy 5? 'Yan ang sabay-sabay na tutukan sa finale week ng Makiling simula ngayong Lunes, sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?