
Proud na sinabi ni Elle Villanueva na malaki ang naging impact sa kanyang career at craft bilang isang aktres ang naging role niya sa pambansang revenge drama series na Makiling.
Sa finale media conference ng nasabing serye noong Huwebes, April 25, masayang humarap sa press ang cast. Dito na ibinahagi ni Elle ang kanyang naging journey bilang ang bida ng serye na si Amira.
Kuwento ni Elle, malaki talaga ang naitulong ng Makiling upang maipakita ang kanyang kakayahan bilang aktres.
Aniya, “Napakalaki ng naging impact sa akin, kasi binigyan nila ako ng opportunity na mapakita how versatile I can be from my role. Grabe 'yung lessons and improvement I think na nagawa ko para sa sarili ko dahil po sa kanila.”
Dagdag pa niya, ibang klase ng training ang ipinaranas sa kanya ng production upang mas maging mahusay sa kanyang trabaho bilang aktres.
“Kaya hindi ko rin maiwan 'yung show na 'to kasi malaki 'yung nabigay niya sa akin na blessing. Dati naalala ko noong mga unang parts kahit pagod na pagod na talaga ako parang ang dami talagang demands tapos parang along the way I learned to love it because ang dami ko pa lang natututunan,” ani Elle.
Paglalahad pa ng aktres, “So kapag pinupukpok ka talaga nang pinupukpok, doon ka matututo. So, I'm really glad na ginawa nila sa akin 'yun na talagang prinessure nila ako, ang dami nilang demands sa akin. I'm so happy kasi para akong na-train dito e, and I'm in the right hands. I'm so happy na [pinagkatiwalaan] nila ako dito sa show na 'to na mabibigay ko 'yung mga ganung bagay.”
Matatandaan na ang Makiling ang ikalawang lead role ni Elle matapos ang unang pagtatambal nila ng kanyang boyfriend na si Derrick Monasterio sa Return To Paradise.
Sa nasabing finale media conference, ipinasilip na rin ang mga makapigil-hiningang mga eksena na dapat abangan ng mga manonood simula sa Lunes, April 29.
Saan nga ba hahantong ang paghihiganti ni Amira sa Pamilya Terra at sa Crazy 5? 'Yan ang sabay-sabay na tutukan sa finale week ng Makiling simula sa Lunes, April 29 sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The sexiest looks of Elle Villanueva