
Nahuli-cam ang matalim na tingin ng aktres na si Elle Villanueva sa kaniyang boyfriend na si Derrick Monasterio nang hilutin nito ang legs ng aktres na si Thea Tolentino.
Pero ito pala ay isa lang sa mga maiiinit na eksena na dapat abangan sa mapangahas na afternoon drama series ng 2024.
Kamakailan ay nagsimula na ang taping ng inaabangang mystery revenge drama ng 2024 na Makiling. Ito ay pinagbibidahan ng real-life Kapuso couple na sina Elle at Derrick kasama ang nagbabalik-kontrabida role na si Thea.
Sa nasabing taping, kinunan na ang ilan sa daring scenes ng serye gaya ng mapangahas na pang-aakit ng karakter ni Thea sa karakter ni Derrick.
Kabilang na nga ang eksena sa isang ilog kung saan hinilot ni Derrick ang legs ni Thea habang nakasuot ng bikini ang aktres.
Sa behind-the-scenes video na in-upload ng GMA Public Affairs sa Instagram, makikita ang pagbabantay ni Elle sa kaniyang kasintahan na si Derrick habang ginagawa nito ang naturang eksena kasama si Thea.
“Hala ang tingin ni girlfriend grabe parang manunuklaw na,” birong komento ng isang netizen sa video.
Batid naman ni Elle na walang halong malisya at trabaho lang ang ginawang pagmasahe ni Derrick kay Thea na kailangan sa eksena.
BALIKAN ANG KAGANAPAN SA FIRST MEETING NG MAKILING DITO:
Bukod kay Thea, kasama rin sa mga magsisilbing kontrabida at magbibigay pasakit sa mga karakter nina Derrick at Elle sa Makiling, ang tatawaging “Crazy 5” na sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro.
Abangan ang unang pasabog ng GMA Public Affairs sa 2024 at tiyak kahuhumalingang mystery revenge drama sa GMA Afternoon Prime, ang Makiling.