GMA Logo Derrick Monasterio at Elle Villanueva
What's on TV

Derrick Monasterio at Elle Villanueva, muling magtatambal sa bagong serye na 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published July 14, 2023 7:52 PM PHT
Updated December 14, 2023 12:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio at Elle Villanueva


Abangan sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa bagong Kapuso series na 'Makiling.'

Muling magsasama ang Sparkle love team na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa bagong GMA Afternoon Prime series na Makiling.

Kahapon, July 13, nagsimula nang magpulong ang GMA Public Affairs at iba pang cast na makakasama nina Derrick at Elle sa nasabing serye.

Kabilang sa stellar cast ang Kapuso stars na sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, at Myrtle Sarosa na gaganap sa mga kaabang-abang na roles.

Isang post na ibinahagi ni GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Iikot ang kuwento ng Makiling sa mga pagsubok na pagdaraanan ng dalawang magkababatang lumaki sa paanan ng bundok Makiling na sina Alex at Amira, gagampanan nina Derrick at Elle.

Sa kanilang first meeting, nagkaroon agad ng kulitan moments ang cast na malaking tulong para sa kanilang familarization.

Unang nagtambal sina Derrick at Elle sa Kapuso sexy drama na Return To Paradise kung saan unang nasaksihan ang kanilang kilig chemistry.

Abangan ang iba pang updates sa Makiling sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA DERRICK MONASTERIO AT ELLE VILLANUEVA SA GALLERY NA ITO: