
Masaya ang naging morning kuwentuhan kasama ang My Fantastic Pag-Ibig star na si Elle Villanueva sa episode ng Mars Pa More noong July 14.
Dinala ni Elle sina Mars Pa More hosts Iya Villania at Camille Prats sa isang virtual tour ng Amsterdam at ibinahagi ang kanyang mga naging karanasan doon.
Ayon sa bagong Kapuso actress, palagi sila nagta-travel ng kanyang ina bago pa magkaroon ng pandemya.
“Actually we went around Europe pero 'yung Amsterdam 'yung pinaka-hilghlight sa amin kasi super ganda,” ani Elle.
Dagdag pa niya na malinis at napakaganda rin daw ng paligid sa lugar na ito sa na matatagpuan sa bansang Netherlands.
“Ang ganda ng scenery tapos lahat ng mga tao very chill tapos madaming coffee shops,” nakatutuwang sagot ng aktres.
Nagkaroon din ng oportunidad si Elle Villanueva na mapuntahan ang bahay ni Anne Frank.
Aniya, “Ito 'yung Anne Frank house. Actually famous siya sa Amsterdam because if you know the story of a little girl na nagtago noong World War II, si Anne Frank iyon.”
Ayon kay Elle, ang sikat na diary ni Anne Frank ay kasalukuyang naka-display sa museo ng naturang lungsod.
Ibinahagi din ng aktres na madami raw masasarap na iba't-ibang klase ng keso at jamón ibérico sa Amsterdam.
Pareho rin mahilig mag-travel si Elle at ang kanyang ina dahil siya ay nag-iisang anak kaya sobrang malapit sila sa isa't-isa.
Natutuwa na ibinahagi ng bagong Kapuso star na wala masyadong mga kotse sa paligid ng Amsterdam at mas marami pa raw ang mga nagbibisikleta.
Tinanong naman ni Mars Iya kung ano ang pinaka-paboritong pagkain na natikman ni Elle sa kanyang trip.
“Macarons,” sagot ng aktres.
Panoorin ang buong episode ng Mars Pa More sa itaas at alamin kung ano pa ang magagandang tanawin na nakita ni Elle sa kanilang trip.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More para sa iba't-ibang klase ng kasiyahan mula Monday hanggang Friday, tuwing 8:45 a.m. sa GMA Network.
Viewers abroad can also watch Mars Pa More via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. For the program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingan sa gallery sa ibaba ang European tour ni Mars Camille.