GMA Logo Elle Villanueva
What's on TV

Elle Villanueva, naiyak nang mapanood ang full trailer ng 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published January 5, 2024 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


“Sobrang proud po ako kasi ang ganda ng kinalabasan.” - Elle Villanueva

Hindi napigilan na maging emosyonal ng Kapuso actress na si Elle Villanueva nang mapanood ang full trailer ng kaniyang pinagbibidahang serye na Makiling kasama ang aktor at kaniyang real-life boyfriend na si Derrick Monasterio.

Sa media conference ng nasabing mystery revenge drama ngayong unang Biyernes ng taon, January 5, first time na ipinasilip sa cast at sa press ang trailer ng serye.

Dito ay agad na naiyak si Elle nang unang beses na mapanood ang buong trailer mula sa mga eksena na kanilang pinaghirapan.

“Ang dami ko po kasing in-invest na emotions dito na parang halos araw-araw nabu-bugbog ako. Sobrang proud po ako kasi ang ganda ng kinalabasan. Lahat po, ang galing nila,” emosyonal na sinabi ni Elle.

Dagdag pa ng aktres, “'Yung feeling po na finally it's here at mashe-share namin sa inyo and I didn't expect it to be that beautiful. So, I'm just so proud of everyone especially the team behind it.”

Nagpasalamat din si Elle sa GMA Public Affairs sa tiwalang ibinigay sa kaniya na bumida sa serye, na isa rin sa mga unang offering ng GMA sa taong 2024.

“Malaki po talaga ang utang na loob ko sa kanila [GMA Public Affairs] kasi ipinagkatiwala nila sa akin ang project na ito,” anang aktres.

Bukod kay Elle at Derrick, present din sa nasabing media conference ang iba pang cast ng Makiling kasama ang mga kontrabida ng serye na tatawaging “Crazy 5” na sina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.

Game rin na humarap sa press sina Thea Tolentino, Andrea Del Rosario, Mon Confiado, Cris Villanueva, Richard Quan, Bernadette Allison-Estrada, Lui Manansala, at Lotlot De Leon.

Mapapanood ang Makiling sa Lunes, January 8, 4:00 p.m. bago ang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime.