GMA Logo Elle Villanueva Derrick Monasterio sa Makiling
What's on TV

Elle Villanueva, duguan sa set ng 'Makiling'; Derrick Monasterio to-the-rescue sa paghilot

By Jimboy Napoles
Published November 15, 2023 11:12 AM PHT
Updated December 14, 2023 12:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva Derrick Monasterio sa Makiling


Kumusta kaya sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa set ng 'Makiling'?

Kasing haba na yata ng bundok Makiling ang hair ng aktres na si Elle Villanueva dahil kahit bugbog sarado ang karakter niya sa Makiling, busog naman siya sa pag-aalaga ng kanyang boyfriend na si Derrick Monasterio.

Ang latest chika, walang kaarte-arteng kinunan ang eksena ni Elle sa Makiling kung saan pinagtulungan siya ng “Crazy 5” - ang mga karakter nina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera at Teejay Marquez.

Bukod pa rito, nagkalunuran din sa drum sina Elle, Myrtle, at Claire na parte rin ng mga matitinding eksena sa nasabing serye.

Spotted naman sa isang fan cam, ang agad-agad na pag-rescue ni Derrick kay Elle matapos kuhanan ang mga eksena ng nobya.

Sa paglapit ni Derrick kay Elle, kinumusta at hinilot niya agad ang likod ng aktres para masiguradong okay ito.

Nagpapasalamat naman si Elle sa production ng Makiling at sa kanyang boyfriend na si Derrick sa pag-aalaga sa kanya sa taping.

Aniya, “Kinabahan ako nung una pero nandito naman lagi 'yung mga EP namin para masigurado na safe kaming mga cast. Thankful din ako kay Derrick kasi talagang nanonood siya sa monitor tapos after take, lagi niya akong kinukumusta.

“Ako naman since bagong artista pa lang ako, talagang hirap ako makabitaw sa character lalo na kapag mabigat na iyakan ang eksena.”

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?

Ayon naman kay Derrick, gusto niyang maging safe ang girlfriend na si Elle lalo na sa heavy scenes nito.

“When it comes to Elle, I want to be sure na present ako lagi kaya kapag may 'mabibigat siyang eksena. Nakatutok ako habang tine-take ni Direk Rado 'yung bullying scenes kay Elle,” anang aktor.

Ang Makiling ay ang pangalawang serye na rin nina Elle at Derrick na magkasama kaya gusto nilang ibigay ang kanilang best dito.

“All-out support naman kami [Elle Villanueva] sa isa't isa para maibigay 'yung best namin sa Makiling,” ani Derrick.

Samantala, kuwento naman ni Elle, nag-e-enjoy din siyang maka-eksena ang 'Crazy 5' lalo na kapag binu-bully na ng mga ito ang kanyang karakter.

“Masaya ka-eksena 'yung 'Crazy Five' kasi talagang makikipagsabayan ka sa kanila sa tuwing binu-bully nila 'yung character ko dito na si Amira,” ani Elle.

Kahit napapagod at nagkakasakitan sa intense na mga eksena, close na close naman ang buong cast ng Makiling, patunay dito ang bonding nila offcam at ang paggawa ng mga TikTok dance.

Marami pang mga patikim na behind the scenes dahil talagang sineryoso at pinaghandaan ng buong cast ang pinakaunang pasabog na drama sa hapon ng GMA sa 2024 - ang Makiling.

Para sa iba pang showbiz updates, bistahin ang GMANetwork.com.