
Matitinding mga tagpo ang nasasaksihan sa GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Dugo, na pinagbibidahan nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, natutuwa si Elle sa positive feedback sa kaniya ng netizens dahil sa paghihiganti ng karakter niyang si Vanessa laban sa kapatid na si Angel, na ginagampanan naman ni Ashley.
“Nababasa ko do'n sa mga comments, natutuwa 'yung mga tao. Sobrang grateful ako kasi ever since, 'yun naman talaga 'yung goal ko, is mapansin bilang magaling na aktor. So, I'm really happy that people are finally recognizing my craft,” pagbabahagi niya.
Sa recent guest appearance nina Elle at Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento nila ang mga dapat abangan sa kanilang pinagbibidahang serye.
"Revelation 'to. May revelation na magugulat, for sure, ang mga audience na... Hindi rin kasi namin in-expect 'to sa script," ani Elle.
Dagdag ni Ashley, "Nagulat nalang din kami. Pati kami na parang, 'shucks, ito pala 'yung plot twist.' Actually, hindi lang isa ang plot twist, maraming plot twists na mangyayari."
Samantala, sa likod naman ng cameras, makikita ang close at magandang bond nina Elle at Ashley.
Sa Instagram, ibinahagi ng former PBB housemate ang video nila ng kapwa Sparkle star kung saan kumasa sila sa isang fun trend.
“Bati muna si Angel at Vanessa today,” sulat niya sa caption.
Related gallery: Before the sister war: Vanessa and Angel's sisterhood moments in 'Apoy Sa Dugo'
Subaybayan ang Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.