
Mas titindi pa ang mga eksena sa Apoy sa Dugo dahil nagsisimula na ang paghihiganti ni Vanessa (Elle Villanueva) kay Angel (Ashley Ortega).
Nagpanggap si Vanessa na siya ay nasisiraan ng bait bilang isa sa kanyang mga paraan upang makapaghiganti kay Angel.
Umani ng papuri at positibong reaksyon ang mahusay na acting skills ni Elle Villanueva bilang Vanessa mula sa netizens at viewers ng serye.
Marami ang nagsabing excited na sila sa mas matinding paghihiganti ng kanyang karakter. May ilan ding nagsabi na noon pa lamang ay inaabangan na nila si Elle dahil sa galing niya sa pag-arte.
Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens at viewers sa acting skills ni Elle sa serye:
Abangan pa ang matinding puksaan nina Elle at Ashley sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Elle Villanueva recalls memorable taping moments as Vanessa in 'Apoy sa Dugo'