GMA Logo Elle Villanueva
PHOTO COURTESY: _ellevillanueva (IG)
What's on TV

Elle Villanueva on working in 'Return To Paradise': 'Nakakapanibago siya pero masaya'

By Dianne Mariano
Published August 4, 2022 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Binibigyang-buhay ni Sparkle actress Elle Villanueva ang role bilang Eden Santa Maria sa GMA Afternoon Prime series na 'Return To Paradise.'

Mapapanood ang Sparkle actress na si Elle Villanueva bilang Eden Santa Maria sa GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.


Ito ang kauna-unahang lead role ng aktres sa isang teleserye at kasama niya rito si Kapuso hunk Derrick Monasterio bilang kanyang leading man.

Sa ginanap na online media conference ng Return To Paradise, ibinahagi ni Elle ang mga first time niyang naranasan sa taping ng serye.

Kabilang sa mga unang naranasan ng aktres sa show ay ang pagkakaroon ng daring at kissing scenes, pati na rin ang mag-taping sa beach.

Kuwento niya, “'Yung mga daring scene, 'yung pagpapakita ng skin, 'yung kissing scene. First time kong as in todo-todo magwala onscreen. Wala na akong paki sa paligid ko kung anuman itsura ko, as in, ilalabas ko na lahat. [Because] 'yung sa before na teleserye ko, more on minimal acting. They want na parang composed pa rin, but this time they want it really big.

“First time ko rin mag-shoot sa beach which is very fun and challenging kasi ang hirap mag-shoot sa outdoors lalo na sa beach.”

Puno rin ng pasasalamat si Elle na mapabilang sa seryeng ito dahil masaya ang kanyang mga naging karanasan.

“Napakadaming challenges dito sa teleserye na ito and I'm really grateful to be [a] part of this kasi ang saya. Ang saya ma-experience lahat. Nakakapanibago siya pero masaya,” aniya.

Sa Return To Paradise, ginagampanan ni Elle ang karakter ni Eden, ang sporty raketera na pinatapang ng mga pagsubok sa buhay.

Mapapanood ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.