GMA Logo Elle Villanueva
Photo source: _ellevillanueva (IG), GMA Drama
What's on TV

Elle Villanueva, pinuri ng viewers matapos magising sa katotohanan sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published May 1, 2026 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BINI meets Mexican singer Thalia
Clubs On Playlist
FPJ Sa G! Flicks: 'Alupihang Dagat' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Umani ng papuri mula sa viewers si Elle Villanueva sa kanyang karakter matapos magising sa mga kasinungalingan ni Angel (Ashley Ortega).

Mas tutok na ang viewers dahil nagsimula na ang banggaan nina Vanessa (Elle Villanueva) at Angel (Ashley Ortega) sa Apoy sa Dugo.

Sa April 29 episode, nagising na sa katotohanan si Vanessa sa mga kasinungalingan ni Angel. Kinompronta rin ni Vanessa si Angel dahil siya ang umano'y naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ina na si Merly (Matet de Leon) sa ospital.

Nag-react naman agad ang viewers sa character development ni Vanessa, na ngayon ay hindi na nagpapauto sa kanyang kapatid na si Angel.

Maliban sa paghanga ng viewers sa pagiging palaban ngayon ni Vanessa, umani rin ng papuri si Elle sa kanyang acting skills sa pagganap sa kanyang karakter.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers ngayong hindi na nagpapauto si Vanessa kay Angel:

Elle Villanueva

Abangan ang iba pang matitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Elle Villanueva brings class with her attorney looks in 'Apoy sa Dugo'