
Binalikan ni Elle Villanueva ang kanilang sexy and sophisticated photoshoot para sa Sparkle 10 billboard.
Ang kanilang photoshoot ay ginawa ng kilalang photographer na si Mark Nicdao. Kasama ni Elle ang iba pang Sparkle 10 ladies na sina Faith Da Silva, Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, at Kate Valdez.
Ikinuwento ni Elle ang naganap sa photo shoot sa press launch ng Sparkle 10 noong March 5.
Ani Elle, "Noong nalaman namin na siya 'yung photographer namin, each and everyone of us were thrilled and sobrang na-excite kami. Sa lahat ba naman ng shinoot niya, sino ba naman ang hindi mae-excite? Sobrang ganda ng photos."
RELATED GALLERY: The women of 'Sparkle 10' showcase their poise, charisma, sensuality, intelligence in recent media launch
Ayon pa kay Elle, hindi sanay ang lahat sa kanila na mag-bikini sa harap ng camera pero nasiguro rito na magiging komportable sila.
"Not everyone of us is sanay na ma-picture-an ng naka-bikini. But Sir Mark made sure na comfortable kami and maipakita yung features namin uniquely. Ang ganda talaga ng kinalabasan."
Nagpasalamat naman ang Sparkle 10 star sa GMA Network dahil sa pagbibigay sa kanila ng opportunity na makilala bilang brave, bold, and beautiful na Sparkle 10.
"Thank you to GMA dahil nabigyan niyo talaga ng importansya ng shoot na ito. We are so grateful, you don't know how much na grabe 'yung excitement namin sa shoot na 'yun at mailabas 'yung billboard. Thank you!"
KILALANIN ANG BOLD, BRAVE, AND BEAUTIFUL LADIES OF SPARKLE 10: