
Iba't ibang aral ang natutunan ni Sparkle actress Elle Villanueva mula sa kanyang Return To Paradise co-stars na sina Eula Valdes at Teresa Loyzaga.
Sa nasabing serye, binibigyang buhay ni Elle ang role bilang Eden habang sina Eula at Teresa naman ay gumaganap bilang Amanda at Rina.
Kuwento ni Elle sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, "Bukod sa pagkakaroon ng teamwork o collaborative work, 'yung pinakanatutunan ko sa kanila is 'yung improvisation and how they deliver their lines.
“Natutuwa ako every time I watch them kahit wala ako sa eksena. Ang sarap nilang panoorin kasi kahit wala sa script 'yung mga sinasabi nila, nagfo-flow pa rin 'yung scene.
“I feel like I'm learning a lot from this show because of them kasi sobrang creative lang talaga nila and napapaganda nila 'yung scene."
“Surreal” ganyan naman inilarawan ni Elle ang karanasan nang makatrabaho si Eula sa serye dahil sa galing nito sa pag-arte.
Aniya, “Every time na nakakaeksena ko siya, nasu-surprise ako sa kanya because of her skills in acting. She's really good and I look up to her. Nakaka-inspire lang talaga si Ms. [Eula]. Basta every time na may eksena kami, excited ako kasi iba-iba 'yung pinapakita niya.”
Gano'n din ang nararamdaman ni Elle sa tuwing nakakaeksena niya si Teresa sa Return To Paradise.
Patuloy niya, “Every time na nagkakaeksena rin kami ni Ms. Teresa, may napapakita rin siyang bago. Ang dami kong natututunan sa kanilang dalawa (Eula Valdes and Teresa Loyzaga) to be honest."
Mapapanood ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN SI ELLE VILLANUEVA SA GALLERY NA ITO.