
Mapapanood na ang pinakabagong Kapuso drama series na Return To Paradise sa GMA Afternoon Prime ngayong Lunes, August 1.
Ito ay pinagbibidahan nina Sparkle artists Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at seasoned actress Eula Valdes. Sa serye, gaganap si Derrick bilang Red Ramos habang si Elle naman ay gagampanan ang role bilang Eden Santa Maria.
Ayon sa “Chika Minute” report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, hindi raw nag-alinlangan ang Sparkle actress sa kanyang sexy na mga eksena kasama si Derrick.
Aniya, “Actually 'yung workshop namin, it really helped us to break the ice between us. We're just vibin' with each other, parang nagkakasundo talaga kami.”
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
“Si Elle para siyang wine. 'Yung habang tumatagal lalong gumaganda. Parang ang dami kong nakikitang bagong sides niya, bagong magandang angle niya,” pagbabahagi naman ni Derrick.
Bukod sa kanilang hot and sexy scenes sa isla, ang kwento ng Return To Paradise ay iikot din tungkol sa pagmamahal ng pamilya.
Ani Elle, “It's not going to be about just two people falling in love, but it's about the love of your mother, your own family. So it's really hard to choose between your family and your loved one.”
Dagdag ni Derrick, “Feeling ko 'yung daringness dito makukuha kung paano naglalaro 'yung dalawang characters. Kung paano 'yung mga tinginan nila, paano 'yung touch, paano 'yung chemistry.”
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video sa ibaba.
Mapapanood din sa Return To Paradise sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES NG RETURN TO PARADISE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.