GMA Logo Ellen Adarna, Derek Ramsay, Beauty Gonzalez
Source: maria.elena.adarna/IG, beauty_gonzalez/IG
What's Hot

Ellen Adarna, ano ang reaksyon sa bed scene nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez?

By Kristian Eric Javier
Published December 21, 2023 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Ellen Adarna, Derek Ramsay, Beauty Gonzalez


Ano ang reaksyon ni Ellen Adarna sa intimate scenes nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez?

Kahit horror ang Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na (K)Ampon nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez, meron pa rin ilang intimate scenes na kasama sa pelikula. Ano naman kaya ang reaksyon ni Ellen Adarna sa bed scenes ng kanyang asawa at bestfriend?

Sa interview ni Derek sa online entertainment show na Marites University, kinuwento ng aktor na pre-pandemic pa dapat ang pelikula na ito, at ang leading lady niya sana rito ay si Kris Aquino.

Ngunit nagpandemic at dahil na rin nagpapagaling ang Queen of All Media sa US, nawalan siya ng leading lady.

“Nung inalok ulit sa'kin 'yung pelikula, wala pa ngang leading lady in mind si attorney (Joji Alonso). Tanong lang niya sa'kin, if willing ko bang gawin. So binanggit niya si Beauty, sabi niya, 'Willing ka ba to work with Beauty?' ako naman, 'okay,'” kuwento niya.

Ngunit nang malaman na may bed scene pala sila ng aktres, ang nasabi ni Derek, “Patay, pa'no 'to?”

Ayon sa aktor ay ipinaurong niya nang ipinaurong ang filming ng bed scene nila ni Beauty at tinanong pa sa direktor nilang si King Palisoc kung puwedeng unahin ang intimate scenes nila ni Zeinab Harake.

Aminado si Derek na kahit nahirapan siya sa intimate scenes nila ni Zeinab, mas nahirapan pa rin siya sa mga eksena nila ni Beauty.

“Kasi nakikita ko rin si Beauty sa bahay. Makikita ko sila kumakain, magkaharap silang dalawa, kumakain. Pino-program ko na nga 'yung utak ko na makikita ni Ellen, katabi ko si Beauty, naglalaro-laro kami sa big screen,” kuwento niya.

Nilinaw naman ng aktor na wholesome ang bed scene nila ni Beauty, at sinabing mas lustful ang eksena nila ni Zeinab.

At nang tanunging si Derek kung ano ang naging reaksyon ni Ellen sa eksena nilang 'yun, ang sagot ni Derek, “Wala, puro ano siya sa'kin, inaasar niya 'ko. 'How does my best friend taste?'”

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA BIBIDA SA SAMPUNG MMFF ENTRIES NGAYONG 2023:


Inamin din ni Derek na para sa kaniya ang (K)Ampon ang best movie para bumalik siya sa industriya kahit pa maraming projects ang inalok sa kaniya locally and abroad.

“Sabi ko, if babalik ako, gusto ko gagawa ako ng pelikula na hindi ako sanay. Na it's not my usual genre and nakagawa naman ako ng horror pero hindi siya 'yung talagang horror na horror,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “So sabi ko, ito 'yung role na gusto kong gawin, gusto kong buhayin 'tong character na ito, kasi it's nothing that I've done.”