
May nakakakilig na interactions si Ellen Adarna sa Taiwanese idols na sina Jerry Yan at Vanness Wu sa naganap F4 concert sa bansa, ang F Forever, noong Sabado, June 27.
Unang ibinahagi ni Ellen ang video ng "10-second eye-to-eye" moments nila ni Jerry Yan habang nasa concert, kung saan nahawakan din niya ang kamay ng aktor. Kitang-kita rin ang saya ng aktres sa mga sandaling ito.
Maging ang kapwa celebrities na sina Rufa Mae Quinto at Alex Gonzaga ay napa-comment sa nakakakilig na up-close moment na ito ni Ellen kay Jerry.
"Medyo napa todo ang ngiti mo dito [Maria Elena Adarna]," sulat ni Rufa Mae.
"Ayyyyy," dagdag naman ni Alex.
Sunod na ipinakita ni Ellen ang kanyang kilig moments nang magpa-picture kay Vanness Wu at ang video kung saan hinanap siya nito sa crowd habang nasa concert, at itinuro, at sinabihan ng "mahal kita."
"Jowa Reveal," caption ni Ellen sa kanyang post.
Kasama nina Jerry Yan at Vanness Wu sa kanilang F Forever concert sa Philippine Arena ang kapwa F4 member na si Vic Chou at Taiwanese singer na si Ashin ng Mayday.
RELATED CONTENT: Jerry Yan's timeless charm and effortless style