GMA Logo Ellen Adarna
photo by: maria.elena.adarna (IG)
What's Hot

Ellen Adarna recalls being called 'Losyang'

By EJ Chua
Published July 7, 2026 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

FIFA: Spain eliminate rival Portugal in Cristiano Ronaldo's World Cup exit
2 die after fuel tanker hits food cart in NegOcc town
Mga bagets, saya at kurot ang na-experience sa rolling perya | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ellen Adarna


Ellen Adarna sa natanggap niyang mom-body criticism noon: “Losyang na raw ako, 'wala na raw papatol sa akin…”

Nakatanggap ng mom-body criticism si Ellen Adarna.

Sa latest vlog ni Alex Gonzaga, kung saan nag-guest sina Arci Muñoz at Ellen Adarna, inalala ng huli ang hindi niya malilimutang comment sa kanya ng isang tao mula sa kanyang past.

Nabanggit niya ang tungkol dito nung nagbigay siya ng isang seryosong paalala sa asawa ni Alex na si Mikee Morada.

Sabi ni Ellen kay Mikee, “Hoy, Mikee, ha 'pag nanganak na si Alex, 'wag mong sabihang losyang na siya ha. Ako napagsabihan na akong losyang.”

“Ba't ka naman nasabihan na losyang ano bang itsura mo?,” reaksyon ni Alex sa sinabi ni Ellen.

Ayon kay Arci, “Ganon ang mga narcissist, ida-down ka nila.”

“Losyang na raw ako, 'wala na raw papatol sa akin kasi ang lawlaw na raw ng ano ko, tapos losyang na raw,” pahabol ni Ellen.

Si Ellen ay loving mom-of-two kina Elias at Liana.

Ang panganay na si Elias ay anak niya sa aktor na si John Lloyd Cruz at si Liana naman ay anak ni Ellen kay Derek Ramsay.

Sina Ellen at Derek ay ikinasal noong November 2021, ngunit nito lamang 2025 ay kinumpirma ni Ellen na hindi na sila magkasamang naninirahan dahil sa kinakaharap nilang marital issues.