GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao
What's on TV

Eman Bacosa Pacquiao, ipapamalas ang galing sa boxing sa 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published April 27, 2026 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dustin Yu, Bianca De Vera heal with love in 'Ngiti' music video
Caprice Cayetano, Heath Jornales to lead romance series 'You’re My Favorite Song'
Air China launches direct Chongqing-Manila flights

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao


Ipapamalas ni Eman Bacosa Pacquiao ang galing niya sa boxing sa 'Never Say Die.'

May katuloy pa ang paglabas ng boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die.

Muling mapapanood si Eman sa episode ng serye ngayong gabi, April 27.

Dapat abangan dito ang pagpapamalas niya ng husay niya sa boksing sa isang eksena nila ng bidang si Star of the New Gen Jillian Ward.

Aayain kasi ni Eman ang karakter ni Jillian na si Joey na sumama sa training niya sa boxing ring.

Sa behind-the-scenes video na inilabas ng programa, kita ang kaba ni Eman sa eksena.

Sa kabilang nito, nag-enjoy pa rin siya na makatrabaho ang mabuting kaibigan na si Jillian.

Napuno ng tawanan at kulitan ang pagshu-shoot nila ng eksena.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.