
Ngayong Miyerkules, tampok ang runway of wit and charm sa Family Feud dahil magsasama-sama ang walo sa mga sikat na beauty queen.
Makikita ng mga manonood ngayong May 20 ang mas fun at relaxed na side ng mga titlists habang ibabahagi nila ang kanilang mga personalidad at hidden talents.
Sa Team Grand, nangunguna sina reigning Miss Grand International 2025 Emma Tiglao at dating titleholder na si Miss Grand International 2024 CJ Opiaza. Kasama rin nila sina Meredith Bobadilla na kinilalang Miss World Philippines Occidental Mindoro 2025 at si Gwen Perion na Miss World Philippines-Bukidnon 2026.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, hindi pahuhuli ang Team Beauty na pinamumunuan nina Isabelle Bilasano, ang Face of Beauty International 2024 at isang speech-language pathologist, at si Nikki Buenafe, ang Face of Beauty International 2025. Kumukumpleto sa team sina graphic designer Zia Arboleda na Miss World Philippines Laguna 2025 at ang accounting student na si Carolyn Tuquero na Miss World Philippines Batangas 2025.
Asahan ang good vibes ngayong Miyerkules dahil magpe-perform ng hip-hop at belly dancing routines ang mga queens sa pagitan ng mga rounds.
Panoorin ang celebration ng Philippine pageantry sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 20, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.