
Kalunos-lunos ang sinapit ng empleyadong nilapa ng 20 aso ng kanyang amo matapos siyang mapagbintangang nagnakaw. Ito ang kuwentong tampok ngayong unang Sabado ng 2021 sa bagong 'Wish Ko Lang.'
Sina Maureen Larrazabal, Mike Tan at Micko Laurente sa 'Nilapa ng Aso' episode. / Source: Wish Ko Lang
Ang Kapuso actress na si Maureen Larrazabal ang gaganap bilang mayamang amo na may 20 aso sa 'Nilapa ng Aso' episode.
Samantala, ang young actor naman na si Micko Laurente ang gaganap bilang binata na mamamasukan bilang 'boy' sa karakter ni Maureen.
Kasama rin sa 'Nilapa ng Aso' episode sina Mike Tan at Valerie Concepcion bilang mga magulang ng karakter ni Micko, habang ang aktres naman na si Crystal Paras ang gaganap bilang isa sa mga kasambahay ng karakter ni Maureen.
Si Valerie Concepcion, Micko Laurente at Crystal Paras sa 'Nilapa ng Aso' / Source: Wish Ko Lang
Sa 'Nilapa ng Aso' episode, mapagbibintangang nagnakaw ng relo ang karakter ni Micko. Ito ang magtutulak sa karakter ni Maureen upang magalit at utusan ang 20 aso niya na lapain ang kawawang empleyado.
Kalunos-lunos ang sinapit ng karkater ni Micko matapos ang hindi makataong ginawa sa kanya ng kanyang amo.
Sina Micko Laurente at Maureen Larrazabal bilang “boy” at amo sa 'Nilapa ng Aso' / Source: Wish Ko Lang
Ang aktor na si Micko, nakagat na rin daw ng aso sa tunay na buhay at dahil dito ay nagkaroon siya ng trauma.
“Sadly, mismong aso po namin na malaki 'yung kumagat sa'kin. Inakala po ng aso namin na kukuhanan ko po siya ng pagkain.
“Kapag nakakakita po ako ng aso na galit at masama tumingin sa akin, bumabalik po 'yung time na kinagat po ako ng sarili naming aso.
“Hindi na po ako madalas nakikipag-eye to eye contact sa mga aso at dapat kalmado lang na papakiramdaman sila sa mga galaw nila at nag-iingat na po ako palagi.
“Na-trauma po ako sa nangyari pero sa kanya lang po ako nagka-phobia. 'Yung mga aso po namin sa loob, sobrang comfortable pa rin po ako dahil mababait at malalambing po sila.”
Valerie Concepcion, nagbigay ng tips kung paano maging isang responsible dog owner. / Source: Wish Ko Lang
Ang aktres at dog lover na si Valerie Concepcion naman nagbahagi ng tips kung paano maging isang responsible pet owner.
“Being a dog owner myself, I make sure na kumpleto sa injection ang dog ko. Tapos 'pag nasa labas kami, pinapakiramdaman ko if nagiging bad mood na siya and parang may gusto awayin.
“'Pag ganun, kino-control ko agad siya. Dapat talaga i-train kasi ang dogs sa early age pa lang.
“And dahil iba't iba ang breed ng dogs, dapat you know 'yung attitude ng breed ng dog mo, in general.
“May mga aso kasi na matatapang talaga like my dog na Japanese Spitz. May mga dogs naman na tahimik at malambing.
“Iba-iba rin kasi talaga, so dapat alam mo 'yung alaga mo.”
Naniniwala rin si Valerie na dapat panagutin ng batas ang mga amo na inuutusan ang mga alaga nilang aso upang manakit o mangagat ng ibang tao, kahit wala namang banta sa kanilang buhay.
“Kasi parang ginawa niya na weapon 'yung dog niya. If it's a matter of life and death and nag-defend lang 'yung owner kaya pinakagat niya sa aso niya ung tao na 'yun, then that's considered na self-defense.
“Pero if wala naman ginagawa 'yung tao at pinagkagat niya, then that's just plain cruel and dapat panagutan niya 'yun sa batas kasi responsibility niya ung dog kasi nga syia ang owner.”
Alamin kung ano ang mangyayari sa empleyadong nilapa ng 20 aso at kung mapapanagot ng batas ang kanyang malupit na amo sa 'Nilapa ng Aso' episode ng bagong 'Wish Ko Lang,' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Vicky Morales grateful for warm reception to all-new 'Wish Ko Lang' episodes