GMA Logo Empoy Marquez, Alessandra de Rossi
Source: empoy/IG
Celebrity Life

Empoy Marquez, puno ng paggalang sa kaniyang leading ladies

By Kristian Eric Javier
Published October 18, 2024 8:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Empoy Marquez, Alessandra de Rossi


Bakit nga ba hindi nagkaka-crush si Empoy Marquez sa kaniyang mga leading ladies?

Kinikilala ngayon ang aktor at komedyante na si Empoy Marquez bilang Ultimate Leading Man dahil sa dami ng iba't ibang aktres na nakapareha niya sa mga proyekto. Ngunit kahit marami na siyang naging leading ladies, hindi siya nagkaka-crush sa kanila dahil dapat daw silang irespeto.

“Gusto ko kasi, kapag naging leading lady ko sila, gusto ko pagka nagkaroon ulit ng pagkakataon some other time na magkasama ulit kami sa movie o sa mga ibang project, gusto ko nandu'n pa rin 'yung pagiging magkaibigan namin,” sabi ni Empoy sa latest episode ng Update with Nelson Canlas podcast.

Nang sabihin ni Nelson Canlas na baka ang mga leading ladies niya ang nagkaka-crush sa kaniya, ang sagot ni Empoy, “'Yan ang hindi ko mapipigil kasi halata naman.”

Una niyang nakatrabaho sa pelikula nilang Kita Kita ang aktres na si Alessandra de Rossi kung saan nakitaan sila ng magandang chemistry ng mga tao. Ngunit pag-amin ni Empoy, hindi niya inakalang magkakasundo sila ng aktres.

“Kasi every time na mapapanood ko siya kahit saan siya, sobrang brilliant niya e, pero 'yung mga tao, hindi nila kilala personally si Alessandra, mabait na tao si Alex,” sabi ng aktor.

“Tapos akala nila suplada, pero tingin lang siya na ganu'n pero napakakalog niyan. Actually, mas komedyante pa nga sa'kin sa totoong buhay kapag out of camera e.”

Kamakailan lang ay nakapareha naman niya ang beauty queen at aktres na si Herlene Budol sa hit action drama series na Black Rider. Ani Empoy, sobrang kalog din ng kaniyang leading lady at itinuturing niya itong baby sister.

“Parang baby sister ko na sa totoong buhay [si Herlene] kasi kuya talaga tawag niya sa amin nila Jayson (Gainza), nila Ruru (Madrid), ganiyan. Pero approachable siya, mabait, tapos maalalahanin, laging nagpapakain sa set. Para sa'kin, it's a 10. Out of the universe. Hindi mabait 'yan, lab ko 'yan,” sabi ni Empoy.

BALIKAN ANG NAGING LEADING LADIES NI EMPOY SA GALLERY NA ITO: