GMA Logo encantadia chronicles
What's on TV

'Encantadia Chronicles: Sang'gre' actors, nagsama-sama sa grand mediacon

By Kristine Kang
Published June 8, 2025 6:03 PM PHT
Updated June 9, 2025 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

encantadia chronicles


Labis ang excitement ng cast at fans sa nalalapit na airing ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre!'

Isang linggo na lang at mapapanood na ang pinakahihintay na GMA superserye ngayong taon, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Noong June 8, ipinagdiwang ang nalalapit na airing ng programa sa Sang'gre Grand Mediacon, kung saan dumalo ang mga miyembro ng local press, Enkantadik fans, at ilang esteemed guests.

Present din ang key figures mula sa GMA Entertainment Group, kabilang na sina Officer-In-Charge and Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Ali Nokom-Dedicatoria, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, at ang magaling na creative team ng Sang'gre.

Dumalo rin sa event ang Sparkle GMA Artist Center, Talent Development and Management First Vice President Joy Marcelo.

"Buhay na buhay ang mundong ito dahil sa ating powerhouse cast at sa suporta ng ating partners at sa iba't ibang department sa GMA," sabi ni Ms. Cheryl.

"...at higit sa lahat syempre sa aming mga tagahanga at aming viewers. Ang Enkantadiks na patuloy naniniwala sa magic ng Encantadia."

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)

Malakas na hiyawan ang sumalubong sa pagpasok ng bagong cast members na sina Gabby Eigenmann, Jon Lucas, Luis Hontiveros, Gab Gueco, Kiel Gueco, Manilyn Reynes, Boboy Garrovillo, Shey Reyes, at Vince Maristela.

Lalo naman sumaya at nagging nostalgia ang fans nang sumali rin sa okasyon ang mga paborito nilang cast members mula sa Encantadia 2016 tulad nina Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Mikee Quintos, Cheska Iñigo, at Pinunong Imaw.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman din ng press at fans ang hagupit at higanti ni Rhian Ramos bilang bagong hara na si Mitena.

Nasundan naman ito ng excitement sa live performance ni Julie Anne San Jose ng bagong theme song ng Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Sa huli, ipinakilala na rin ang mga bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali (Terra), Kelvin Miranda (Adamus), Faith Da Silva (Flamarra), at Angel Guardian (Deia).

"We cannot emphasize more how much of a journey it is for us to create this project," Bianca shared.

"This was two years of our lives at hindi po biro 'yun. Dalawang taon po iyon na ito ang priority ng mga buhay namin. Dalawang taon po iyon ibinuhos namin ang lahat ng paghahanda namin, ng oras namin just to make everyone proud. Finally nandito na kami sa harapan niyo. Nakatayo at naninindigan na we will not disappoint you. Nagawa po namin ang Encantadia Chronicles: Sang'gre na ang Enkantadiks ang nasa puso at isip namin."

A post shared by Encantadia Chronicles: Sang'gre (@gmaencantadia)

A post shared by Encantadia Chronicles: Sang'gre (@gmaencantadia)

A post shared by Encantadia Chronicles: Sang'gre (@gmaencantadia)

Maliban sa ipinakilala ang cast ng superserye, sama-sama rin pinanood ng lahat ang pinakabagong final trailer ng Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Mapapanood na ang superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.

Samantala, tingnan ang mga naganap sa "Sang'gre For A Day" event na ginawa ng GMA para sa anibersaryo ng Encantadia sa gallery na ito.