
Pagkatapos maghatid ng saya at pagmamahal sa loob ng Bahay ni Kuya, handa na ang Sparkle star na si Vince Maristela na pumasok sa mahiwagang mundo ng Encantadia!
Ang dating Kapuso housemate ay kabilang sa pinakahinihintay na GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kasama niya rito ang bagong tagapangalaga ng brilyante na si Bianca Umali, na gagampanan ang matapang na karakter na si Terra.
Kabilang din sa grand cast ang new generation Sang'gres na sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Tila sakto ang paglabas ni Vince sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, dahil looking forward na siya sa pagpo-promote ng nalalapit na serye.
"Excited na din po ako na ipalabas na 'yung Sang'gre kasi isa din iyon sa mga masasabi kong nag-grow ako na project. Na-push ako sa limits ko, madami akong natutunan doon sa project na iyon," pahayag niya sa panayam ni Lhar Santiago.
Sa tuwing pinapanood ng Sparkle star ang trailer, hindi raw niya maitago ang kanyang kilig.
"As in meron ako'ng ganon feeling na hindi ako makapaniwala na mapapanood ko na siya. Dahil din siguro ang tagal nitong project na ito na pinaghirapan ng mga tao, ng production. Parang masarap lang sa pakiramdam na namumunga 'yung mga pinaghirapan namin," aniya.
Makakasama rin ni Vince sa serye ang kapwa Kapuso PBB housemate na si Shuvee Etrata, at ang mga bagong cast members na sina Jon Lucas, Gabby Eigenmann, at Ysabel Ortega.
May magbabalik rin sa mundo ng Encantadia, dahil ang apat na minahal na 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia ay mapapanood din sa serye.
Ipapalabas na ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.
Samantala, balikan ang mga naganap sa "Sang'gre For A Day" event na ginawa ng GMA para sa anibersaryo ng Encantadia: