
Ramdam na ramdam na ang Encantadia fever nang ilabas ang bagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Lalo pang nasasabik ang Encantadiks na panoorin ang iconic GMA superserye dahil sa nakakapanabik na aksyon at level-up visual feast. Mula sa high-end drone shots hanggang sa makapanindig-balahibong slow-motion effects, kitang-kita ang bagong produksyon na tiyak na aabangan sa serye.
Dumagdag pa ang excitement nang ipinakita ang pagbabalik ng mga minahal na Sang'gre na sina Amihan, Pirena, Danaya, at Alena.
Ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay pagbibidahan ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Makakasama rin sa serye si Rhian Ramos bilang Mitena at iba pang cast members tulad nina Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
Babalik din ang 2016 Sang'gres na sina Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA Prime soon!
Samantala, abangan ang behind-the-scenes photos ng mga Sang'gre mula sa unang teaser video dito: