GMA Logo encantadia fans
What's Hot

'Encantadia' fans, gusto ng real-life brilyante mula sa serye

By Kristian Eric Javier
Published April 28, 2025 5:18 PM PHT
Updated April 28, 2025 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

encantadia fans


Hiling ng 'Encantadia' fans na magkaroon ng merchandise ang seryeng 'Sang'gre.'

Malapit nang ipalabas ang upcoming fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan mapapanood na ang mga bagong tagapangalaga ng mahihiwagang brilyante na sina Bianca Umali, Angel Guardia Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.

Sa Instagram ay nag-post ang head writer ng serye na si Suzette Doctolero ng ilang litrato ng mga sandata at kagamitan na gamit nila sa serye, kabilang na ang apat na brilyanteng pinangangalagaan ng mga Sang'gre.

A post shared by Suzette Severo Doctolero (@suzidoctolero)

Sa Encantadia Saga Facebook page, ni-repost ang litrato ng apat na brilyante kaakibat ang hiling nila na i-mass-produce ng GMA Marketing ang mga ito at ibenta.

“GMA Marketing, we're all begging you to mass produce these and sell them! Blind boxes, collector's editions, or even plastic versions so kids can play them in the streets.” sulat nila sa kanilang post.

Pagpapatuloy pa nila ay mga propesyonal na ang mga bata ngayon na napanood ang unang serye noong 2005 at sinabing kaya na nilang bumili ng merchandise o merch.

“Fans of all ages will eat these up too!” pagtatapos ng kanilang post.

Sa comments, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta sa ideya na ito. Sa katunayan, isa sa mga nag-comment ang may suhestyon pa na mag-produce na ang GMA Network ng high quality merch and toys katulad ng action figures, notebooks, weapons, costumes, at siyempre, ang mga brilyante ng Encantadia.

“Encantadia needs to evolve into a multimedia franchise--the first truly high-end brand in the Philippines that we can truly be proud of,” sabi ng netizen sa kaniyang comment.

TINGNAN ANG MAHIWAGANG MUNDO NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ang iba naman ay hinahanap ang brilyante ng diwa, at sinabing dapat din itong isama sa collection o merch na ibebenta.

May isang netizen din ang nagsabi na 'wag lang sana t-shirt at cap ang ibenta sa GMA store. Sa halip, sana ay magbenta na ng merch mula sa Encantadia.

Komento pa ng isang netizen, “PARANG AWA NIYO NA! Pang-3 na itong Sang're from 2005, 2016, and now 2025! We want this, please GALAWIN NA ANG BASO."