
Avisala, mga Kapuso!
Sa gitna ng kinakaharap na pandemya ng bansa, isang kuwento ng pakikipaglaban at pag-asa ang inihahandog muli ng GMA Network. Ibabalik sa inyong mga tahanan ang iconic telefantasya na Encantadia.
Muling mapapanood ang requel ng Encantadia, na ipinalabas noong 2016-2017, simula Huwebes, March 19, sa ganap na 7:45 p.m., bilang pansamantalang kapalit ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation). Ito ay matapos i-postpone ng Kapuso Network ang taping ng huli at ng iba pang programa nito dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ang Encantadia ay kuwento tungkol sa apat na Sang'gre na tagapangalaga ng brilyante ng apoy, hangin, tubig, at lupa. Pinagbidahan ito nina Glaiza De Castro, Sanya Lopez. Gabbi Garcia, at Kylie Padilla,
Kaugnay nito, muli ring mapapanood ang 2017-2018 hit suspense-drama na Kambal, Karibal sa GMA Telebabad sa ganap na 8:35 p.m., bilang pansamantalng kapalit ng Anak ni Waray at Anak ni Biday.
Read: 'Kambal, Karibal,' muling mapapanood sa GMA Telebabad
Manatili sa loob ng bahay para iwas-sakit at panoorin ang inyong mga paboritong GMA shows.
Stay safe, mga Kapuso!