GMA Logo Sang'gre
What's Hot

'Encantadia' spin-off na 'Sang'gre,' may napili nang bida

By Marah Ruiz
Published March 14, 2022 6:01 PM PHT
Updated March 15, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Sang'gre


Ayon kay GMA executive Lilybeth G. Rasonable, nasa creative development at may na-cast na rin daw para sa 'Encantadia' spin-off series na 'Sang'gre.'

Umuusad na ang produksiyon ng Sang'gre, isang spin-off series mula sa iconic telefantasya na Encantadia.

Ibinahagi ni GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable ang ilang detalye tungkol sa upcoming series na unang inanunsiyo noong Bagong Taon.

"It's now in creative development. It is a spin-off ng Encantadia so may iba siya na mas marami siyang mortal world. Pero siyempre hindi mo aalisin 'yung equity ng Encantadia [world] kasi 'yun naman talaga ang jump off point nito," paliwanag niya.

Lubos na rin daw pinaghahanadaan ang iba't ibang elemento ng show, kabilang ang special effects.

"Marami rin bagong iniisip ang creator nito na si Suzette Doctolero. Exciting talaga for us kasi iba na 'yung part two (2016 series). Ngayon [may] spin-off naman. Ang ganda kasi nabubunga siya ng iba-ibang material kaya dito kami looking forward to, pati 'yung special effects na pinaplano naming gawin at saka 'yung iba-ibang ways of depicting Encantadia, that special world that we created," bahagi ni Rasonable.

Mayroon na rin daw napili para sa title role at isa ito sa mga homegrown talents ng GMA. Ipinaliwanag naman ni Rasonable kung paano napili ang aktres na ito.

"Unang-una, kailangan mukha siya talagang Sang'gre. Kailangan beautiful, physically mukhang strong, magiging maganda ang hitsura kapag nilagyan mo ng costume, agile kasi definitely she will be doing a lot of stunts, a lot of fight scenes and siyempre magaling umarte. Lahat 'yun taken ito consideration na puwede siya ihanay doon sa mga Sang'gre na nauna na before her," aniya.

Isang bagong Sang'gre daw ang magiging focus ng show pero may posibilidad pa rin makita dito ang mga Sang'gre na dati nang minahal ng mga manonood.

"Oo, isa na lang siya pero hindi ibig sabihin ay hindi niyo makikita 'yung ibang mga Sang'gre, either as part of the cast or as guests, at kung saan 'Encantadia' siya galing--kung sa first o sa second. Mahilig naman kaming gumawa ng ganoong mga surprises, kahit noong second installment," lahad ni Rasonable.

Ang Sang'gre ang kuwento ng isang babaeng 'di inaasahang matutuklasan ang kanyang angking kapangyarihan habang walang kaalam-alam na siya pala ang nag-iisang anak ni Reyna Danaya ng Lireo.