GMA Logo Encantadia fanatics
What's on TV

Encantadiks na cosplayers, ipakikita ang kapangyarihan sa pagsagot sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 23, 2025 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

South Korea's ex-president Yoon given 5-year jail term in first ruling over martial law
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia fanatics


Abangan ang fantasy-filled face-off ng Encantadia fanatics sa 'Family Feud' ngayong July 23.

Survey battle ng mga professional cosplayers na “Encantadiks” ng masasaksihan sa Family Feud ngayong July 23.

True-blue Encantadia fanatics o "Encantadiks" na naka-full regal costume at magpapakita ng powers ng Encantadia characters ang bibida sa exciting episode ng Family Feud. Saksihan ang inihandang fantasy-filled face-off na ito sa episode ngayong Miyerkules.

Mamumuno sa team na The New Sang'gres ang drag queen and multimedia artist mula sa Caloocan na nagko-cosplay ng Adamus na si Andy Crocker. Kasama niya sa The New Sang'gres si Jay Cayabyab, ang costume maker at drag queen mula sa San Fernando, Pampanga na nagko-cosplay ng Flamarra; si Anne Bengua na isang working student mula sa Caloocan City na nagko-cosplay na Terra; at si Moonlight, ang drag queen and makeup artist mula Pasig City na Deia cosplayer.

INSET:
https://drive.google.com/file/d/1ZYGuFnwiLbbMjoyl4GbikWXp8lCIny6Y/view?usp=sharing
IAT: Encantadia fanatics or "Encantadiks" in Family Feud

Mula naman sa The OG Sang'gres mamumuno si Gulliver Mendoza, ang drag artist and makeup artist mula Cavite na Pirena cosplayer. Kasama niya sa pagsagot sa Family Feud si Mark Decano, ang government employee at events organizer na nagko-cosplay na Alena; si Stardust Crocker na isang drag queen, social media manager, at Amihan cosplayer mula sa Olongapo; at si Princess Mallapre, ang Danaya cosplayer na isa ring full-time virtual assistant mula sa Caloocan City.

Kaninong kapangyarihan sa paghula ng sagot sa survey questions ang mananaig? Abangan ito sa Family Feud ngayong July 23!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.