GMA Logo Dennis Trillo and Marian Rivera
What's on TV

Endless Love: Ang pagtanggap ni Jenny sa alok na kasal ni Andrew | Week 8

By Aimee Anoc
Published August 9, 2021 12:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Malaysia requires social media age checks barring under-16 accounts
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Marian Rivera


Kaya bang talikuran ni Andrew ang lahat para sa pagmamahal kay Jenny?

Sa ikawalong linggo ng Endless Love, kinumpronta na ni Shirley Dizon (Nadine Samonte) si Jenny Cruz (Marian Rivera) tungkol sa pagtingin nito kay Andrew Tantoco (Dennis Trillo). Hindi naman naiwasan ni Jenny na manliit na naman sa kanyang sarili dahil sa pagkumpronta sa kanya ni Shirley.

Dahil sa pangmamaliit ng nanay ni Andrew kay Jenny, napagdesisyunan ng mga magulang ni Johnny Dizon (Dingdong Dantes) na muli na lamang ampunin si Jenny para matanggap ng ina ni Andrew.

Samantala, nalaman na ni Andrew ang katotohanan na hindi talaga gusto ng kanyang ina si Jenny. Pero kahit ano pang pagtutol ng kanyang ina sa relasyon nila ni Jenny, handa niya pa ring ipaglaban ang kanyang nararamdaman.

Nagpaalam na si Andrew sa nanay ni Jenny sa planong wedding proposal nito.

Samantala, nalaman na ni Andrew na hindi talaga mga kaibigan ang nakasama ni Jenny sa pamamasyal kung hindi si Johnny. Nagsimula na ring magduda sina Andrew at Yumi (Bela Padilla) sa tunay na relasyon nina Johnny at Jenny.

Labis ang lungkot ni Andrew nang malamang nagsinungaling sa kanya si Jenny tungkol sa paglabas kasama si Johnny. Pero agad din naman niyang napatawad si Jenny sa pagsisinungaling nito.

Hindi naman napigilan ni Shirley na lalong mainis kay Jenny dahil sa kabila ng pagsisinungaling nito ay napatawad pa rin siya ni Andrew.

Samantala, itinuloy na ni Andrew ang planong wedding proposal kay Jenny.

Dahil sa patuloy na pang-aapi ni Shirley kay Jenny, ipinagtapat na ni Andrew sa lahat ng trabahador nila sa resort na inaya na niya ng kasal si Jenny at hindi na rin siya papayag na apihin ang babaeng pakakasalan niya.

Sa ginawang pamamahiya sa kanya ni Andrew, agad na nagsumbong si Shirley sa nanay ni Andrew. Ipinakita rin ni Shirley sa nanay ni Andrew ang kalagayan ng pamumuhay ni Jenny at pinuntahan ang bahay nito.

Dahil sa pang-iinsulto ng nanay ni Andrew kay Jenny, nakiusap ang nanay ni Jenny sa mga magulang ni Johnny na muli na lamang ampunin ang anak. Ayaw lamang nito na makitang inaapi si Jenny ng ibang tao.

Kahit na tinakot na ng ina na tatanggalan siya ng mana at karapatan sa resort, buo na ang desisyon ni Andrew na pakasalan si Jenny.

Samantala, tatanggapin kaya ni Jenny ang alok ng mga magulang ni Johnny na muli siyang ampunin?

Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives.