
Mabigat ang role na gagampanan ni Epy Quizon sa MAKA ngayong Sabado, November 30.
Makikilala si Epy bilang Mang Nik, ang mapang-abusong ama ni Dylan (Dylan Menor).
Sa teaser na inilabas ng MAKA para sa episode 11, makikita ang pananakit ni Nik sa kanyang asawa at anak. Para matigil na ang pang-aabuso ng ama, nais ni Dylan na maipakulong ito.
Pero tila mauuwi sa isang malagim na aksidente ang kagustuhan ni Dylan na makalayo silang mag-ina sa ama.
Abangan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.