Meet your new Gen Z barkada in 'MAKA'

Simula September 21, mapapanood na ang pinakabagong youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs, ang MAKA.
Sa inspiring Gen Z series na ito na may musical elements, tampok ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA, kung saan matutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Pagbibidahan ang MAKA ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."Inside link:
Makakasama rin sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta at ang ilang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar. Sasamahan din sila ng beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Mas kilalanin ang bagong Gen Z barkada sa MAKA sa gallery na ito:









