GMA Logo Epy Quizon on Pulang Araw
What's on TV

Epy Quizon, tinanggap ang 'Pulang Araw' role dahil sa yumaong ama na si Dolphy

By Jimboy Napoles
Published July 10, 2024 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Epy Quizon on Pulang Araw


Gaganap si Epy Quizon bilang isang sikat na Vaudeville performer sa 'Pulang Araw'.

Ipinakilala na ang batikang aktor na si Epy Quizon bilang isa sa mga gaganap sa mahahalagang karakter na bubuo sa highly-anticipated series ng GMA na Pulang Araw.

Bibigyang buhay ni Epy si Julio Borromeo na isang Pilipino na may-ari ng isang teatro noong 1940s. Siya ang ama ng magkapatid na sina Adelina at Teresita na ginagampanan naman nina Barbie Forteza at Sanya Lopez.

Sa media conference ng Pulang Araw kamakailan, nakapanayam ng GMANetwork.com si Epy.

Ayon sa seasoned actor, memorable sa kaniya ang mga eksena niya sa entablado.

Aniya, “'Yung mga scene sa entablado where para kaming sumakay sa time capsule 'di ba? So parang napunta kami doon sa panahon talaga ng Vaudeville.”

Kuwento pa ni Epy, naalala niya sa kaniyang karakter ang yumao niyang ama na si Comedy King Dolphy, na naging Vaudeville performer din noon.

“Even before no'ng sinabi pa lang sa akin na ang role ko is 'yung performer sa Vaudeville at nagkaroon ng mga anak na magkaibang babae… I remember my father,” ani Epy.

Dagdag pa niya, “Actually the reason why tinanggap ko 'to is [because] very similar ito to my dad.”

Samantala, proud din si Epy sa ganda ng produksyon at husay ng kaniyang fellow actors sa serye. “It's a collaborative work so ako it's not just the brilliance of the actor pati 'yung kung pa'no siya dinirek, kung paano sila binihisan. So I'll give it to everyone, it's a collaborative work.”

Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.

Panoorin ang official primer ng Pulang Araw, DITO:

Mapapanood ang Pulang Araw simula sa July 29 sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference