GMA Logo Epy Quizon at Mikoy Morales
source: epyq/IG, mikoymorales/IG
What's on TV

Epy Quizon at Mikoy Morales, inspired sa kuwento ng dalawang WW2 veterans

By Kristian Eric Javier
Published February 27, 2024 10:12 AM PHT
Updated July 3, 2024 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Epy Quizon at Mikoy Morales


Dahil sa mga kuwentong narinig mula sa dalawang World War 2 veterans, mas naging inspired sina Epy Quizon at Mikoy Morales para sa kanilang roles sa 'Pulang Araw.'

Patuloy pa rin sa paghahanda ang stars ng upcoming historical drama na Pulang Araw at kamakailan, binisita ng mga aktor na sina Epy Quizon at Mikoy Morales ang dalawa sa mga World War 2 veterans para malaman ang kuwento nila.

“'Yung mga kuwento sa amin ni Kuya Oscar ay magiging in a way, jumping ground or playground ng mga writers para ma-capture namin talaga 'yung essence ng era na 'yun na gusto namin ikuwento sa inyo,” sabi ni Epy kay Nelson Canlas sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras.

Intimidated naman si Mikoy pagpasok niya umano sa bahay ni Kuya Oscar.

Paliwanag ng aktor, “Kasi the fact na parang, 'di ba, nakikita mo lang sa mga documentaries, nakikita mo lang sa mga film, sa mga kuwento, sa mga libro, pero to have someone actually tell you upfront how it was to live then, it's something.”

Dagdag pa niya, ang mga kuwentong narinig nila mula kina Kuya Oscar ay isang bagay na hindi basta makukuha kung saan man.

Bukod kina Epy at Mikoy, kailan lang ay binisita rin ng dalawa nilang co-stars na sina Sanya Lopez at Ashley Ortega ang dalawang naging comfort women noong panahon ng World War 2. Naging emosyonal pa ang dalawang aktres nang malaman nila ang kuwento nina Lola Estilita at Lola Narcisa.

Itinuring nina Sanya at Ashley sina Lola Estilita at Lola Narcisa bilang pinakamatapang na mga babae na nakilala nila, at sinabing mabigat na aral ang nakuha nila mula sa mga kuwento nito.

“Natutunan ko yung tapang, lakas ng loob, yung faith nila na makakalagpas sila sa buhay na meron sila,” sabi ni Sanya.

“Isa sa greatest lesson is dapat sa mga kabataan ngayon maging grateful kayo dahil napakaswerte natin ngayon,” ani ni Ashley.

Samantala, itinuturing naman nina Epy at Mikoy ang serye bilang isang paraan para makakuha ang mga kabataan ng dagdag kaalaman tungkol sa nakaraan at kasaysayan ng Pilipinas.