
Sa unang linggo nang pagbubukas ng Pinoy Big Brother Collab Celebrity Edition, kabilang ang mga official housemates na sina Esnyr at Brent Manalo sa nagbigay ng good vibes sa bahay ni Kuya.
Ang social media personality na si Esnyr ay kilala bilang 'Son-sational Viral Beshie ng Davao del Sur.' Samantalang, ang influencer na si Brent ay binansagang 'Gentle-linong Heartthrob ng Tarlac.'
Mainit ang naging pagtanggap ng netizens sa kanilang kwela moments sa loob ng bahay ni Kuya. Sinuportahan din ng netizens ang kanilang nakakatuwang friendship.
Narito ang ilan sa mga naging reaksyon sa duo nina Esnyr at Brent:
Unang nagsama si Esnyr at Brent sa isang love triangle kasama si MAKA actor Shan Vesagas sa High School series na ipinapalabas sa YouTube channel ni Esnyr.
Patuloy na tutukan ang duo nina Esnyr at Brent sa teleserye ng totoong buhay.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Pwede rin panoorin ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition All-Access Livestream dito.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'