
Si Esnyr ang isa sa housemates na sinusubaybayan ng mga manonood sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, unti-unting nagpapakilala si Esnyr hindi lang sa housemates niya kundi pati na rin sa Pinoy viewers at kaniyang mga tagahanga.
Sa previous episode ng programa, ikinuwento niya ang ilang detalye tungkol sa kaniyang buhay, kabilang na rito ang mga rason kung bakit sumali siya sa bagong season ng Pinoy Big Brother.
Biro niya bago magsimula sa pagkukwento, “I just want to break the ice. Sobrang hanga ako sa story n'yo pero ako, nandito ako hindi para paiyakin kayo kundi para sabihin talaga sa inyo kung ano 'yung istorya ko when it comes to showbiz… sa takdang panahon...”
Kasunod nito, buong loob na sinabi ni Esnyr sa harap ng kaniyang housemates, “Nandito ako for the money, for opportunities, and for my growth.”
Inilahad din niya ang mga hindi magandang naranasan noon ng kaniyang pamilya dahil sa financial problems bago siya makilala bilang isang content creator at magsimulang kumita ng pera.
“Iyong family ko sobrang dami naming utang, to the point na may kulung-kulungan na… may aresto ng nangyayari and what saved my parents from that is 'yung pagiging content creator ko,” kwento niya.
Pahabol pa ni Esnyr, “I want to introduce the real Esnyr behind all of these personas, kaya I'm here.”
Kilala ngayon ang Star Magic artist at content creator sa teleserye ng totoong buhay bilang Son-sational Viral Beshie ng Davao del Sur.
Patuloy na patok sa netizens ang videos ni Esnyr, kung saan mapapanood ang nakaaaliw na pagganap niya sa iba't ibang katauhan sa ibinibida niya sa kaniyang content.
Matatandaang naging parte siya ng pelikulang Balota, na pinagbidahan ng A-list Kapuso actress na si Marian Rivera.
Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: The cast of 'Balota' meet at its story conference