
Bukod sa SLAY actor na si Jay Ortega, may isa pang Kapuso heartthrob na crush ng Son-sational Viral Beshie ng Davao del Sur na si Esnyr at ito ay ang MAKA star na si Sean Lucas.
Sa isang candid moment ng pagkukuwentuhan nina Esnyr, Shuvee Etrata, at Vince Maristela sa loob ng Bahay ni Kuya, inamin ni Esnyr na first crush niya sa Davao si Sean Lucas.
"Best friend nga n'yan e taga... Bisaya nga best friend n'ya e. Crush ko pa," sabi ni Esnyr kina Shuvee at Vince.
Nang tanungin ni Shuvee kung sino, sagot ni Esnyr, "Lucas."
"Sean napakapogi nun," dagdag ni Shuvee.
"Bakla siya 'yung first crush ko sa Davao," kuwento ni Esnyr kay Shuvee. "Bakla, hindi dahil sa film namin naano siya na-scout siya ng GMA."
Ayon kay Esnyr, kasama rin siya sa nasabing film. "Tapos na-scout siya. Nandun pa kami sa mini-message niya kami na kinuha daw siya ng GMA. Sabi namin, 'Uy! Happy for you.'"
Ikinuwento rin ni Esnyr na gumagawa sila noon ng movie kung saan kasama niya si Sean.
"Nauna ako sa kanya dito ng one year so parang hindi na kami masyadong nakapag-catch up. Kasi may era kasi na gumagawa-gawa lang kami... pandemic, ng movie. Mga independent filmmakers. 'Yung mga gusto lang talagang sumali ng mga film fest.
"Pero that time since pandemic gusto namin gumawa ng mga ano lang video video lang para i-post sa [YouTube]. May parang episode one, episode two. E hindi namin natuloy."
Ibinahagi rin ni Esnyr na si Sean ang bida sa ginawa nilang video. Pagpapatuloy niya, "Si Sean 'yung bida nun tapos 'yung isa best friend ko na babae. Kaya nagka-crush ako kay Sean."
@lateonayden not our little film prod during the pandemic getting pbb airtime 😭 we're so proud of u lodicakes @Esnyr #fypシ゚ #pbb ♬ original sound - LA
Isa si Esnyr sa Kapamilya housemate na kabilang sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA.
Habang napapanood naman si Sean Lucas sa MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG PBB HOUSEMATE NA SI ESNYR SA GALLERY NA ITO: