
Inamin ni Ethel Booba na napayuhan siya ng admin na i-report as hacked ang Twitter account na “@IamEthylGabison."
Muling nagsalita si sexy comedienne Ethel Booba tungkol sa fake Twitter account na “@IamEthylGabison” sa kanyang official Twitter account matapos siyang payuhan ng isang netizen na sana ni-report na lamang niyang na-account sa Twitter.
Ani ng netizen, “Dapat kasi nag-reklamo ka sa Twitter tapos sabihin mo na na-hack account mo. Tapos nag-apologize ka dun, e di sana meron ka 1.6 million pa rin na followers.”
Pero ang sagot ni Ethel, mas gugustuhin niyang matapos na lamang ang isyu.
“'Yan din ang message ng admin na nakarating sa akin. Sabihin na lang daw na-hack pero gusto ko na lang matigil ang lahat.
“'Di ko ugali ang manira o magsimula ng kahit ano man at kung ano man. Kung na-disappoint ko man kayo, my bad.”
Dagdag pa niya, “Pray na lang natin na matapos na 'tong kinakaharap natin.”
Yan din ang msg ng admin na nakarating sakin sabihin na lang daw na hack pero gusto ko na lang matigil lahat. Di ko ugali ang manira o magsimula ng kahit ano man kung nadisappoint ko man kayo. My bad
-- Ethel Booba (@EthelBooba6) April 19, 2020
Pray na lang natin na matapos na tong kinakaharap natin. https://t.co/xYBIumkO0d
Maraming fans ng comedienne ang sumangayon sa desisyon nito na magsimula na lamang ng panibagong account sa social media platform.
Sambit pa ng isang netizen, “May prinsipyo kasi si Ma'am Ethel. Gusto niya mag-follow kayo sa kung sino ang totoo.”
Netizens' comments on Ethel's official Twitter account. Source: @EthelBooba6 (Twitter)
Noong April 17, muling nagbabalik ang Twitter account na “@IamEthylGabison” sa Twitter na nagpapakita ng revamped version ng platform.
Maalalang naka-set ito as inactive nang i-report ni Ethel na fake ang account noong April 10.
Ngunit, as of press time, mayroon na itong 973.6K followers at nakasulat sa bio nito, “Started as PARODY account until Ethel claimed it as hers on National TV.”
Revamped @IamEthylGabison Twitter account.
Sa official YouTube account ni Ethel, ikinuwento niya na hands-off siya sa social media platform simula nang inilunsad ito noong 2012.
Aniya, “Na-curious ako. Tiningnan ko at napansin ko na parang kinokopya niya yung mga sinusulat ko sa Facebook at nilalagay niya sa Twitter.
“Kuhang-kuha niya talaga at natuwa naman ako sa mga tweets niya kasi 'di naman nakaka-harm. Mga quotes na nakakatawa lang.”
Napag-isipan raw ni Ethel na i-disown ang account nang maging political ang tweets nito at naapektuhan na ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak.
“Lalo akong nabuwisit dahil lalo na sa mga sitwasyong ngayon, may pandemic tayo na nangyayari sa buong mundo. We are in a very desperate situation right now.
“Naiiyak ako dahil hindi natin alam kung makakalabas ba tayo.
“Hindi kasi ano, bakit parang pinagmumukha mo akong maramot? Hindi ako maramot na tao.
“Ako 'yung unang naging promotor na magpa-fund raising. May anak lang ako ngayon kaya hindi ko maasikaso. Nagtu-tweet ka pa ng kung anu-ano kapapanganak ko lang. Naiinis ako kasi pati 'yung anak natin nadadamay.
“Nagbuntis ako at wala na nga akong pakielam diyan. Ang tagal ko nang walang koneksyon sa Twitter at ka-contact niya.”
What prompted Ethel Booba to disown “IamEthylGabison” Twitter account?
Ethel Booba, trends on Twitter for political joke