GMA Logo Dear Uge characters
What's on TV

Eugene Domingo at Katrina Halili, gang members sa 'Dear Uge'

By Cherry Sun
Published May 26, 2021 4:56 PM PHT
Updated May 27, 2021 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 10, 2025 | NCAA Season 101
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Dear Uge characters


Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhan sa 'Dear Uge!' Tutok na ngayong Linggo, May 30, pagkatapos ng GMA Blockbusters!

Gang members ang characters nina Eugene Domingo at Katrina Halili sa fresh episode ng 'Dear Uge' ngayong Linggo, May 30.

Eugene Domingo

Bago magtapos ang Mayo, isang bonggang sorpresa ang ihahatid ni Eugene at ng Dear Uge. Magpapalabas na muli ng fresh episodes ang Kapuso comedy anthology at sinigurado ng Kapuso star na pasabog ang pagbabalik ng kanyang programa sa bagong format nito.

Sa episode na 'Gangsta Sistah,' gaganap si Katrina bilang si Badette a.ka. Red Pepper, ang boss ng Red Pepper Gang. Kampon niya sa grupo sina Matador (Roby Sy), Dogs (Buboy Villar), at Pogi (Gil Cuerva).

Katrina Halili as Badette

Isang madre ang kapatid ni Badette na si Angela (Kate Valdez) ngunit hindi niya inaasahang iiwan na nito ang kumbento. Makikitira si Angela sa kanya kaya't kailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Sa umaga ay magpapanggap si Badette na isang philanthropist pero sa gabi ay patuloy ang buhay niya bilang si Red Pepper.

Paano kung bisitahin ni Angela ang hideout ng kanyang kapatid sa pag-aakalang ito ang opisina niya? Mabunyag kaya ang secret life ni Badette?

Samantala, isang special guest naman ang makakapanayam ni Uge, ang isa pang gang member na si Boy Girly.

Eugene Domingo as Boy Girly

Silipin ang ilang eksena ng 'Gangsta Sistah' rito:

Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhan sa Dear Uge! Tutok na ngayong Linggo, May 30, pagkatapos ng GMA Blockbusters!