GMA Logo Quentin and Eugene Domingo
Celebrity Life

Eugene Domingo, bumilib sa anak ni Candy Pangilinan na si Quentin

By Maine Aquino
Published October 9, 2024 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Quentin and Eugene Domingo


Panoorin ang solo interview ni Quentin sa kaniyang ninang na si Eugene Domingo.

Inilahad ni Eugene Domingo ang kaniyang pagkabilib sa inaanak niyang si Quentin.

Si Quentin ay ang anak ni Candy Pangilinan. Ayon kay Candy, ang vlog na ito ay isa sa kanilang mga inihanda sa birthday month ni Quentin. Si Quentin ay mag-celebrate ng kaniyang 21st birthday sa darating na October 16.

Ani Candy, "It's Quentin's birthday month. Quentin interviews ninang Uge. Training them can be easier with friends."

PHOTO SOURCE: YouTube: Candy Pangilinan

Si Quentin ay diagnosed ng autism and attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Kabilang sa vlog ni Candy ay ang mga payo sa ginawa nilang activity para kay Quentin.

Inilahad ni Candy na ito ang unang solo interview na ginawa ni Quentin at nakasama niya rito ang kaniyang ninang na si Eugene o Uge. Ilan sa mga itinanong ni Quentin kay Eugene ay tungkol sa kanyang pag-aaral, fondest memories, favorite director at marami pang iba.

Sa gitna ng kanilang interview ay inilahad ni Eugene na bumilib siya sa husay ni Quentin. Ani Eugene, "I'm so impressed sa 'yo. Ang galing galing mo."

Panoorin ang bonding at interview nina Quentin, Candy, at Eugene dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG TENDER MOMENTS NINA CANDY AT QUENTIN DITO: