Eugene Domingo, papasok na sana sa kumbento bago makilala ang asawa na si Danilo Bottoni

GMA Logo Eugene Domingo and Danilo Bottoni

Photo Inside Page


Photos

Eugene Domingo and Danilo Bottoni



Inamin ng versatile at award-winning actress na si Eugene Domingo sa Fast Talk with Boy Abunda na handa na siyang maging single habang-buhay at pumasok sa kumbento noon bago niya nakilala ang kaniyang Italian husband na si Danilo Bottoni.

Sa pagbisita ni Eugene sa nasabing programa, isang masayang usapan ang pinagsaluhan nila ng batikang host na si Boy Abunda. Bukod sa kaniyang buhay artista, kinumusta rin ni Boy ang kaniyang buhay pag-ibig kasama ang mister na si Danilo.

Dito ay ikinuwento ni Eugene na nakilala niya ang kaniyang asawa noong panahon na “exhausted” na siya sa kaniyang buhay.

Kuwento niya, “We met at Udine Film Festival in Italy, kasi palabas doon ang Barber's Tales, I was alone, I was exhausted in general in life, I was already surrendering to the life of being single or maybe I could enter the convent, 'yun talaga ang iniisip ko.”

Habang nasa nasabing film festival sa Italya, bigla raw siyang nilapitan ni Danilo at kinausap upang humiling ng isang interview.

Aniya, “All of a sudden he appeared in front of me and I was scared because baka you know, stalker or something but he said, 'I am a friend on Facebook,' but I have no Facebook so sabi ko baka parang pick-up line, 'yun pala he was a film critic, and he watched all Filipino films, he is a lover of Asian films and he watched Kimmy Dora, Babae Sa Septic Tank, and then Barber's Tales and then he asked for an interview and I said, 'I cannot give you that, you should ask permission,' 'yung paano pa ako 'di ba kasi wala na doon 'yung isip ko, okay na akong maging single.”

Natuloy naman ang hiling na interview ni Danilo kay Eugene, at dito na raw tila tinamaan na ang aktres sa kaniyang asawa.

“And then he arrived on the interview, he interviewed me tapos habang kinakausap niya ako, nagandahan ako sa mata niya, ang guwapo niya, tapos parang nagising ako, namulat akong ganiyan, tapos nu'ng gusto ko na siyang maging friend or 'yung gusto ko na siyang makausap ng matagal, tinawag na siya, umalis na siya, tapos ako parang, 'Ay wala na,'” ani Eugene.

Dahil nanghinayang si Eugene sa posibleng pagkakaibigan nila ni Danilo, ay siya na mismo ang gumawa ng paraan upang ma-contact ito.

“Noong umuwi ako from Italy, na hindi ko na siya nakita sabi ko, 'Yun na 'yun e, palalampasin ko pa ba e, naramdaman ko na,' So 'yun pinursue ko, ganun 'yun, pursue pursue rin.

“Siyempre maabilidad ang mga Pilipina, pag-uwi ko dito siyempre hinanap ko 'yung email,” anang aktres.

Bukod dito, tinanong din ni Boy si Eugene kung kaya na ba nitong talikuran ang kareran para sa pag-ibig.

Diretsahang sagot naman ni Eugene, “Yes, Kuya Boy. At this point, my goodness I'm a golden girl this is the second half of my life, I have given the first half to always just about me, and helping my family and the second part would be for me and Danilo.”

SILIPIN NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA EUGENE DOMINGO AT DANILO BOTTONI SA GALLERY NA ITO:


Together
Genuine
Smile
Van Gogh Museum
Rijksmuseum
Cultured

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays