
Masaya at exciting na bakbakan ang bubungad sa buwan ng Hulyo sa Family Feud dahil maghaharap ang Team Motha Stunnas at Team Master Cutter Cuties.
Ngayong July 1, pangungunahan ng multi-awarded actress na si Eugene Domingo ang Team Motha Stunnas, kasama ang fellow theater friends and accomplished performers na sina Dolly De Leon, Candy Pangilinan, at Frances Makil-Ignacio. Matagal nang magkakasama ang apat sa theater scene kung saan nila nahasa ang kanilang husay sa pag-arte at nabuo ang matibay nilang samahan. Sa kasalukuyan, tampok si Eugene sa PETA stage musical na Ang Babae sa Septic Tank 4: Oh, Sh*t! It's Live sa Theater!
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakatapat nila sa Family Feud ang Team Master Cutter Cuties na binubuo ng aktres na si Jo Berry, TBATS On The Go host na si Boobay, comedian na si Chamyto, at social media personality at Bubble Gang cast na si Cartz Udal. Sila ang ilan sa mga supporting cast ng hit primetime series na The Master Cutter na pinagbibidahan mismo ng Family Feud host na si Dingdong Dantes.
Sino kaya ang mananaig? Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 1, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.