What's on TV

Eugene Domingo, nagselos kay Donita Rose?

By Cherry Sun
Published February 22, 2021 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) June 25, 2026 [HD]
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Ros, Jose Manal, Eugene Domingo


Kabilang si Donita Rose sa celebrity players na naglaro sa 'Celebrity Bluff' nitong Sabado!

Tila naipit sa lovers' quarrel nina Eugene Domingo at Jose Manalo si Donita Rose nang mag-guest ang aktres sa Celebrity Bluff.

Donita Rose Jose Manalo Eugene Domingo

Nitong Sabado, February 20 napanood sina Eugene, Jose, at Boobay sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Samantala, si Dennis Trillo ang umupong guest bluffer bilang pansamantalang kapalit ni Brod Pete.

Samantala, tatlong celebrities kasama ang kanilang personal aides ang naglaban-laban sa pakikipag-“Fact or Bluff.” Magka-team sina Lani Mercado at kanyang make-up artist na si Audie, ka-tandem ni Donita ang kanyang personal assistant na si Tina, at kakampi naman ni Glydel Mercado ang kanyang make-up artist na si Bong.

Sa unang round, tila nakaalitan ni Donita sina Boobay at Jose matapos sabihing si Dennis lang ang convincing sa kanila.

Aniya, “Kayong dalawa, mali ang pagkasabi n'yo. Si Dennis lang ang tama [ang] pagkasabi.”

Na-offend ang dalawang bluffers sa komento, at agad naman humingi ng paumanhin si Donita. Bilang kanyang pagso-sorry ay hinalikan pa niya si Jose.

Personalan na nga ba at mauwi kaya ito sa selosan? Panoorin ang February 20 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.