GMA Logo eula valdez
What's Hot

Eula Valdez, paano iniingatan ang showbiz career?

By Nherz Almo
Published February 19, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

eula valdez


Eula Valdez, sa kanyang acting career: “Gusto kong magtrabaho hanggang sa mamatay ako.”

Isa si Eula Valdez sa mga kilalang aktres na talagang maasahan sa anumang role na ibigay sa kanya. Kaya naman patuloy lang ang dating ng trabaho sa kanya.

Sa media conference ng upcoming horror movie na Lilim, natanong si Eula kung ano ang kanyang sikreto sa pagtatagal sa showbiz.

Sagot ng batikang aktres, “Alam mo, kahit na anong sabihin ko na ayaw kong tumanda, tatanda ako, e. Suwerte lang siguro na hindi nawawalan ng project.

“Pero totoo rin yung sinabin ni Mon [Confiado], na marunong kailangan marunong kang makisama. Kasi, sino ba naman ang gustong makipagtrabaho sa mga may attitude?

“At gusto ko talaga ang trabahong ito, e. Gusto ko talagang mag-artista mula noong bata ako kaya inaalagaan ko rin na, alam mo yun, hindi ako pakalat-kalat para walang masyadong nasasabi ang mga tao.”

Bukod sa pag-iingat sa kanyang showbiz career, matindi rin ang pagpapahalaga ni Eula sa kanyang pangangatawan.

“Inaalagaan ko rin ang sarili ko,” aniya.

“Siyempre, iniisip ko rin yung mga kaedaran ko. Kailangan may effort ako na maging healthy. Ayaw ko rin magkasakit. Gusto kong magtrabaho hanggang sa mamatay ako.

“Suwerte lang na hindi nawawalan ng trabaho. Minsan nakakapagpahinga rin ng matagal-tagal. Pero ito talaga ang gusto kong trabaho, so talagang kailangan kong ingatan.”

Bukod sa pelikulang Lilim, na ipalalabas sa mga sinehan simula March 12, napapanood din si Eula sa GMA Afternoon Prime series na Forever Young, na magtatapos na ngayong linggo.

Samantala, tingnan ang ilan sa mga iconic roles ni Eula sa gallery na ito: