
Espesyal na serye ang Forever Young para sa beteranong aktor na si Michael De Mesa.
Sa naganap na media conference, sinabi ni Michael kung bakit kapupulutan ng inspirasyon at maraming aral ang Forever Young.
"What makes this project special kasi ang tinatalakay rito is a disability," sabi ni Michael. "But, regardless of disability, you can still achieve as long as you put your heart and soul into it."
Pagpapatuloy niya, "Makaka-inspire ito sa mga disabled. Don't let anyone tell you that you cannot do anything... you will be able to be successful. At ito ang message ng Forever Young."
Bukod dito, para naman sa beteranang aktres na si Eula Valdes ay napapanahon din ang kuwento ng Forever Young.
"Itong Forever Young, aside about disability, ito rin mayroong clear depiction ng sino ang mga dapat iboto," sabi ni Eula.
"Sana [maging] guide din ito sa atin sa nalalapit na eleksyon. Ito sobrang klaro ang mga masakim sa kapangyarihan at sa mga may gusto talagang maitulong sa bayan. Sana po suportahan po ninyo," dagdag ng aktres.
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo Agapito, isang 25-year-old na tatakbo bilang isang mayor. Mayroon siyang kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism, na makakaapekto sa kanyang paglaki.
Pagbibidahan ito ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell. Makakasama rin sa serye sina Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Abangan ang world premiere ng Forever Young, simula October 21, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.