GMA Logo Eunice
Courtesy: eunicelagusad18 (IG)
What's on TV

Eunice Lagusad, ipinasilip ang lock-in taping ng 'Prima Donnas 2'

By EJ Chua
Published February 22, 2022 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Eunice


Eunice Lagusad, may ikinuwentong nakakatawang eksena ng isang aktres sa taping.

Ibinahagi ng aktres na si Eunice Lagusad sa kaniyang latest vlog ang ilang kaganapan sa lock-in taping ng ikalawang season ng Prima Donnas.

Mula paggising hanggang sa pagpunta sa shooting location ay kinuhanan ni Eunice upang ibahagi at ipasilip sa ilang fans at followers ang kanilang buhay habang nasa taping ng naturang show.

Pagdating sa bahay ng mga Claveria, masayang bumati si Eunice sa ilang staff at mga kapwa niya artista.

Isa sa mga ito ay ang batikang aktres na si Tina Paner, at ang Prima Donnas lead stars na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan.

Ibinahagi rin ni Eunice ang ilang clips ng kanilang worship session na isinasagawa muna ng buong Prima Donnas production team at cast bago ang kanilang taping.

Ipinakita rin ni Eunice sa vlog si Sheryl Cruz dahil request daw ng kaniyang fans na mapanood sa videos niya ang napakahusay na aktres.

Nang makatabi naman ni Eunice si Elijah Alejo, masaya nilang ibinahagi ang mga nakakatawang karanasan sa ilang eksena habang nasa taping.

Kasalukuyang napapanood si Eunice sa drama series bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang kasambahay sa loob ng Claveria mansion.

Unang nakilala ang aktres sa kanyang natatanging pagganap bilang batang “Charming” sa television drama series na Bakekang, na ipinalabas sa GMA noong 2006.

Madalas din siyang napapanood sa ilang episode ng drama anthology show na #MPK o Magpakailanman.

Samantala, alamin ang buhay ng Bakekang child stars na sina Eunice Lagusad at Krystal Reyes sa gallery na ito: